01/04/2026
Ngayong Mahal na Araw, makiisa po kayo sa akin sa pansamantalang paghinto mula sa ingay at abala ng mundong ating ginagalawan.
Bilang inyong Punong Barangay, kaisa ninyo ako sa panalangin at pagninilay habang ating ginugunita ang dakilang sakripisyong ibinigay para sa ating lahat.
Nawa’y maging panahon ito ng pagpapatawad, pagmamahal sa kapwa, at paglilinis ng ating mga puso, kaalinsabay ng ating patuloy na pagsisikap na panatilihing malinis at maunlad ang ating komunidad.
Isang mapayapa at pinagpalang Mahal na Araw sa ating lahat.
Hon. Jose Paolo Jude L. Natividad
Punong Barangay