16/12/2025
π’ PAHAYAG MULA SA OFFICE OF THE PUNONG BARANGAY
Barangay Sinawal | Hon. Eduardo W. Bantilan
Ayun sa kasalukuyang kalagayan, ang isang bahagi ng daanan sa Pao-Pao Road ay lubhang severely damaged na dulot ng katagalan nito at ng patuloy na pagdaan ng mga malalaking sasakyan.
Ang Barangay Council ng Barangay Sinawal, na pinamumunuan ni Hon. Eduardo W. Bantilan, ay hindi po natutulog sa pangyayari sa nasabing kalsada, paghahanap ng solusyon sa problemang kinakaharap ng nasabing daanan.
Noong November 10, 2025, nagsumite ng liham ang Office of the Punong Barangay sa City Engineerβs Office (na kanilang natanggap noong November 13, 2025) upang magsagawa ng survey at assessment sa nasabing daanan na severely damaged. Sa naturang liham, humiling ang ating Punong Barangay ng technical recommendations for repair, rehabilitation, or improvement ng nasabing kalsada. Makalipas lamang ang ilang araw, agad namang tumugon ang City Engineerβs Office at nagsagawa sila ng survey noong November 14, 2025.
Noong December 03, 2025, sa ginanap na 49th Regular Session ng Sangguniang Barangay ng Sinawal, ay inaprubahan ang isang resolusyon na pinamagatang:
βA RESOLUTION URGENTLY REQUESTING THE HONORABLE LORELIE G. PACQUIAO, CITY MAYOR OF GENERAL SANTOS CITY, TO ALLOCATE CITY FUNDS FOR THE IMMEDIATE REPLACEMENT OF THE SEVERELY DAMAGED PORTION OF PAO-PAO ROAD IN BARANGAY SINAWAL, GENERAL SANTOS CITY.
(Resolution No. 113, Series of 2025 β Joint Sponsorship)
cc: City Engineerβs Office, DPWH Gensan
Ang nasabing resolusyon ay opisyal na ipinadala sa Office of the Honorable City Mayor noong December 16, 2025. Kalakip ng resolusyong ito ang isa pang liham na urgently requesting for immediate temporary repair ng damaged portion ng Pao-Pao Road habang ang ating mga kinauukulang tanggapan ay patuloy na naghahanap ng pondo para sa tuluyang pagpapalit ng nasabing daanan.
Patuloy po nating ipinagdarasal na sa mga susunod na buwan o taon ay magkaroon ng allocation of funds upang maisakatuparan ang kinakailangang replacement ng nasabing kalsada.
Nais din po naming ipaalam sa lahat na ang pag-apruba at paglalaan ng pondo para sa proyektong ito ay hindi basta-basta, sapagkat ito ay isang existing project na nangangailangan ng replacement dahil sa kasalukuyang kondisyon nitong sirang-sira.
Kami po ay humihingi ng mataas na pasensya mula sa ating mga mamamayan sa Purok Pao-Pao, Purok Malipayon, Purok Bagong Silang, at sa ating mga g**o na nagtuturo sa mga nasabing purok.
Ang City Mayor Hon. Lorelie G. Pacquiao, kasama ang Barangay Council ng Barangay Sinawal na pinamumunuan ni Hon. Eduardo W. Bantilan, gayundin ang City Engineerβs Office at DPWH Gensan, ay patuloy na magtutulungan upang mabigyang-solusyon at maayos ang nasabing daanan.
Maraming salamat po sa lahat ng ating mga mamamayan sa mga nabanggit na purok sa patuloy na pag-unawa at mataas na pasensya sa nangyayaring sitwasyon sa nasabing daan.