16/08/2026
πΎπ΅π BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 | OPISYAL NA PAGBUBUKAS π΅ππΎ
Sa pagsisimula ng isang makabuluhang linggo, matagumpay na ipinagdiwang ng Habitat Community Elementary School noong Lunes, Agosto 10, 2026, ang Opisyal na Pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang:
"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Sa pamamagitan ng temang ito, binigyang-diin ang mahalagang papel ng Wikang Filipino sa makabagong panahon, kung saan ang Artificial Intelligence (AI) ay nagsisilbing katuwang sa pananaliksik, pagkatuto, at mas malawak na pag-access sa kaalaman at impormasyon. Patunay ito na ang ating sariling wika ay patuloy na umuunlad kasabay ng teknolohiya habang pinananatili ang ating kultura, pagkakakilanlan, at pagiging makabayan.
Naging makabuluhan ang programa sa pamamagitan ng pambungad na panalangin, pagbati at mensahe ng ating Pangalawang Punongg**o, G. Jeffrey D. Alconera, pagpapakilala sa tema ng Buwan ng Wika at mga nakatakdang gawain na pinangunahan ng Filipino Coordinator, Gng. April Grace Q. Limen, sinundan ng pangwakas na pahayag at pangwakas na panalangin bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng pagdiriwang.
Bilang bahagi rin ng selebrasyon, pinangunahan ng ating Punongg**o, Ma'am Evelyn Fe E. Sanoria, katuwang ang Pangalawang Punongg**o, G. Jeffrey D. Alconera, ang pagpili at pagkilala sa Best Dressed Teacher, bilang pagbibigay-pugay sa mga g**ong buong pusong nagsuot ng makukulay at makabayang kasuotang Pilipino na tunay na sumasalamin sa kagandahan ng ating kultura at pamana.
Inaanyayahan ng Habitat Community Elementary School ang buong komunidad na makiisa sa iba't ibang gawaing inihanda para sa Buwan ng Wika. Sama-sama nating ipagdiwang ang ating pambansang wika at ipakita na ang Filipino ay nananatiling tulay ng pagkakaisa, kultura, at kaalamanβkahit sa makabagong panahon ng teknolohiya at AI.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Kulturang Pilipino! πβ€οΈπ