04/06/2026
Matagumpay na naisagawa noong Hunyo 1, 2026 ang unang araw ng phasing ng Fulong Academy sa ilalim ng Phase 1: Basics of the Sangguniang Kabataan.
Isinagawa ito sa The Village Events Place mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, kung saan nabigyan ng mahahalagang kaalaman at inspirasyon ang mga kalahok sa pamamagitan ng iba't ibang sesyon tungkol sa pamumuno at mabuting pamamahala.
Tinalakay ni Jon Leo J. Licayan, CPA ang History of the Sangguniang Kabataan and Salient Features of RA 11769, habang pinangunahan naman ni Trisha Abigaille B. Ormita, RPm, CHRA, CMHT, CePL ang sesyong Knowing Yourself as a Leader.
Binigyang-lalim din ang Four Pillars of Good Governance sa pamamagitan ng mga talakayan mula sa mga SK Chairperson mula sa iba't ibang lugar, kung saan tinalakay ni Hon. Kristian Noel Y. Solas ang Organizational Effectiveness, ni Hon. Anthony Espinosa ang Development Planning, ni Hon. Rhoda May Ebad, LPT ang Leadership and Innovativeness, at ni Kimberly Cloi T. Cancer, MPA ang Financial Management.
Sa buong araw, hindi lamang kaalaman ang naibahagi kundi pati inspirasyon at mahahalagang karanasan mula sa mga resource speakers. Higit ding naging makabuluhan ang bawat sesyon dahil sa aktibong pakikilahok, pakikinig, at pagbabahagi ng mga Fulong Academy participants.
Sa bawat aral na kanilang natutunan, unti-unting nahuhubog ang mga kabataang lider na handang magsilbi nang may integridad, malasakit, at pananagutan sa kanilang mga komunidad.
Isang hakbang na naman ito tungo sa paglinang ng mga lider ng kabataan para sa mas maayos, makabago, at makabuluhang paglilingkod.