18/02/2026
MGA LOKBO BASA!!!
Kinsay nagkurog sa kalipay?
Kinsa kahay nagkurog ani sa kalagot ug kahadlok karon?
Sara Z. Duterte
February 18, 2026
Assalumalaikum Warahmatulahi Wabarakato
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Proverbs 19:21 states: "Many are the plans in a
person's heart, but it is the LORD's purpose that
prevails."
It took me 47 years to understand that my life was
never meant to be only mine. Unlike others, I may not
have been born just to chase happiness. For a long time,
I questioned the weight of responsibility - to my
family, to my country, to everyone who called on me.
Today, I have peacefully accepted that my life is unlike
any other.
Sa unang mga buwan pa lang ng aming termino, nakita
ko na ang kawalan ng katapatan ni Bongbong Marcos Jr.
sa mga pangakong binitawan noong kampanya, pati na
sa kanyang sinumpaang tungkulin para sa bayan.
Dahil hindi ko kinayang maging bahagi ng 2025
national budget na tadtad ng katiwalian, pinili kong
umalis sa gabinete-kahit na alam ko na, mula pa
noong 2023, na ang magiging kapalit nito ay ang aking
impeachment.
Mga kababayan, humihingi ako ng paumanhin sa
inyong lahat. Patawad kung tinulungan kong mahalal si
BBM bilang Pangulo ng ating bansa.
Patawad kung hanggang ngayon ay marami pa ring
Pilipino ang nalulunod sa baha nang dahil sa
malawakang korapsyon.
Patawad kung lantaran ang pang-aabuso sa ating mga
institusyon para sa pansariling interes ng mga pulitiko.
Patawad kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga
pangunahing bilihin habang nananatiling kapos ang
kita ng bawat pamilya.
Patawad kung wala man lang tayong tunay na
seguridad sa pagkain.
Patawad kung may mga nagkakasakit at binabawian
bigla ng buhay dahil sa kakulangan ng maayos at
epektibong healthcare system.
Patawad kung ang mga dinadaanan ninyong kalsada,
tulay, at proyektong pinondohan ng taumbayan ay
madalas masira.
Patawad kung ang krimen, iligal na droga, at terorismo
ay tila unti-unti nang lumalapit sa pintuan ng ating mga
tahanan.
At Patawad kung wala tayong malinaw at tunay na
independent foreign policy-kung kaya't tila tayo'y
naiipit sa tunggaliang namamagitan sa mga
superpowers tulad ng Tsina at Estados Unidos.
Madalas, iniiwasan ng mga pulitiko ang maagang
paghayag ng kanilang mga plano upang hindi sila
maging target ng pag-atake. Ngunit matagal nang sinira
ng administrasyong ito ang pangalan ko.
Matagal na akong inaatake gamit ang buong makinarya
ng kapangyarihan- mula sa mga scripted na
imbestigasyon na ibinalot sa katagang "in aid of
legislation," sa pagkidnap ng aking ama, hanggang sa
mga samu't saring paratang na pilit inuulit-ulit
hanggang magmukhang totoo.
Marahil ay matagal na rin akong hinatulan sa mata ng
iilan.
Hindi ako kailanman natakot sa pagsira nila ng
pangalan ko.
Ngunit - may takot ako para sa ating mga anak.
May takot ako para sa mga susunod na henerasyon.
May takot ako para sa mga kababayan nating walang
bahay sa ibang bansa, walang pangalawang pasaporte,
walang ibang matatakbuhan kundi ang Pilipinas-kahit
ito'y patuloy na nalulugmok sa kahirapan.
Naa koy kahadlok nga moabot ang adlaw nga dawaton
na lang nato ang kapobrehon isip kapalaran. Nga
maanad na 'ta sa sayop. Nga mawad-an na lang 'ta og
paglaom.
Ug labaw sa tanan-naa koy kahadlok nga moabot ang
adlaw nga wala na 'tay Pilipinas nga ikahatag sa atong
mga anak.
I cannot kneel before each and every Filipino to beg for
forgiveness. Instead, I offer my life, my strength, and my
future in the service of our nation.
Mga kababayan, ibalik natin ang Tapang at Malasakit -
Para sa Diyos.
Para sa Bayan.
At para sa bawat Pamilyang Pilipino.
Ako si Sara Duterte, tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
Shukran.