27/03/2026
Isang mabiyaya at produktibong linggo nanaman po sa ating pampamahalang bayang tanggapan sa pangkalusugan at laboratoryo, ngunit ito na po yata ang isa sa di natin makakalimutan.
Wala pang 24 oras mula ng ini anunsyo ng ating Ina ng Bayan Mayor Sherry Bolisay ang intensyon na pagbili ng brand new Blood Chem Analyzer. Naideliver na po kaagad noong Martes ng gabi (March 24,2026) hindi lamang isa kundi dalawang makabagong machine ang binili para sa ating laboratory(Chemistry at Hematology Analyzer) at may papadating pa na isa (HBa1c analyzer) na nirequest natin sa ating Mayor at agad agad itinawag upang mapagbigyan ang ating pangangailangan. Matapos maideliver nag set up, program at demo noong Miyerkules (March 25) at nagsimula na kaagad mag proseso at makapagbigay ng mas mabilis na serbisyo kahapon (March 26). Ipinakita lang po sa atin ng ating Mayor na lahat ay posible basta para sa bayan; basta para sa mamamayan.
Napakaswerte ng mga Papayanos, dahil ang ating bayan kahit nasa isang sulok na parte ng Nueva Ecija ay nakikipagsabayan na ngayon pagdating sa mga makabagong kagamitan pang kalusugan sa mga Tertiary Hospitals na makikita lamang sa iba’t ibang siyudad dito sa ating lalawigan. Ito ay isinakatuparan ng ating butihing Mayor Sherry Bolisay. Maraming Salamat po Mayor sa pagpapahalaga sa programang pangkalusugan sa buong pusong pagbibigay suporta sa Rhu Papaya N Ecija . Maraming Salamat po Mayor sa ipinagkaloob nyo na mga equipments sa ating munting laboratory; maliit man pero nakikipagsabayan sa mga makabagong kagamitan at mula po ngayon ay MAS mabilis at MAS madaming Papayanos na ang mabibigyan ng dekalidad na Sherbisyo, Salamat po.