City of General Trias Medicare Hospital

City of General Trias Medicare Hospital Medical and Health Services

20/08/2026
🤱 UNANG GATAS, UNANG PROTEKSYON, UNANG HAKBANG SA KALUSUGAN! 💕Mga Mommy, Daddy, at kapwa natin GenTriseños! Ngayong Brea...
16/08/2026

🤱 UNANG GATAS, UNANG PROTEKSYON, UNANG HAKBANG SA KALUSUGAN! 💕

Mga Mommy, Daddy, at kapwa natin GenTriseños!
Ngayong Breastfeeding Awareness Month, inanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa ating Breastfeeding Awareness Campaign para sa kalusugan at magandang kinabukasan ng ating mga chikiting.

Suportahan natin ang bawat ina at bigyan ng pinakamagandang simula ang bawat bata! ✨

Kailan: August 20, 2026
Oras: 9:00 AM
Saan: 📍City of General Trias Medicare Hospital

Bakit mahalaga ang pagpapasuso?

* 💖 Likas na Nutrisyon – Ang gatas ng ina ang pinakamasustansyang pagkain para sa sanggol.�
* 🛡️ Proteksyon Laban sa Sakit – Nagbibigay ng natural na immunity at antibodies.�
* 🧠 Mas Mabuting Paglaki at Pag-unlad – Nakatutulong sa brain development ng bata.�
* 🤱 Mas Matibay na Ugnayan – Mas nagiging malapit at nakakapag bonding ang ina at anak.�
* 🌟 Mas Malusog na Kinabukasan – Pundasyon ng magandang kalusugan habang sila ay lumalaki.�
Bawat patak ng gatas, hatid ay pag-ibig, nutrisyon, at kalusugan. 💕

Magkita-kita po tayo roon! Kita-kits, mga Mami! 👋✨

ISANG MAINIT NA PAGBATI SA ATING MGA GENTRISEÑOS!Magalang po naming ipinababatid sa publiko ang muling pansamantalang pa...
01/06/2026

ISANG MAINIT NA PAGBATI SA ATING MGA GENTRISEÑOS!

Magalang po naming ipinababatid sa publiko ang muling pansamantalang paglilipat ng aming Emergency Area at OPD Triage.

Simula bukas, June 2, 2026, ang Emergency Area ay pansamantalang ililipat sa harap ng pasilidad ng ospital (katapat ng Alfamart), habang ang OPD Triage ay ililipat sa gusali ng PTV ng ospital.

Nais naming ipaalam na mananatili po ang oras ng aming mga serbisyo at operasyon. Ang Emergency Services ay patuloy na bukas (24/7), ang Outpatient Department (OPD) ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang pansamantalang paglilipat na ito ay bahagi ng patuloy na pagsasaayos at pagpapabuti ng ating pasilidad, upang higit pang mapahusay ang kalidad ng serbisyong pangkalusugan para sa ating mga pasyente at komunidad.

Lubos po kaming humihingi ng inyong pang-unawa at pasensya habang isinasagawa ang mga pagbabagong ito. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pakikiisa.

-CGTMH Management Team

Puno na po ang ating Palistahan para sa Tuli Mission! Maraming salamat po sa lahat nang pumunta para magpalista. Opisyal...
23/04/2026

Puno na po ang ating Palistahan para sa Tuli Mission!

Maraming salamat po sa lahat nang pumunta para magpalista. Opisyal na rin po namin inaanunsyo sa post na ito, na ang palistahan para sa tuli mission ay sarado na.

Antabayanan ang mga susunod na programa ng ating Medicare Hospital.

Para sa mga karagdagang katanungan, maaari silang mag mensahe sa ating page o tumawag sa aming numero 046 509 0064.

Salamat po!

Malugod po kaming nagpapasalamat sa mga nag palista para sa aming TULI MISSION! Mayroon na lamang tayong dalawang bakant...
21/04/2026

Malugod po kaming nagpapasalamat sa mga nag palista para sa aming TULI MISSION!

Mayroon na lamang tayong dalawang bakanteng araw sa buwan ng Mayo para sa ating tuli mission. Ang mga slots mula April hanggang May 24 ay puno na.
Patuloy pa rin po ang ating pagpapalista para sa mga natitirang slots.

Para sa mga karagdagang katanungan, maari silang mag message sa ating page o tumawag sa numerong 046 509 0064.

20/04/2026

PABATID:
Ang registration para sa Tuli ay hanggang 02:00PM lamang ngayong araw.
Magpapatuloy ang palistahan bukas, April 21, 2026.

Address

City Of General Trias Medicare Hospital
General Trias
4107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when City of General Trias Medicare Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to City of General Trias Medicare Hospital:

Shortcuts

Share