07/10/2026
Isang produktibong 63rd regular session ang ating naidaos kasama ang Sangguniang Panlungsod ng General Trias ngayong Miyerkules, kung saan binigyan natin ng accreditation ang mga retiradong kawani ng ating lokal na pamahalaan na bumubuo ng General Trias Retired Government Employees Association, Inc.
Labis-labis po ang ating pasasalamat sa ating mga retired employees na naging bahagi at katuwang natin sa pagsulong ng kaunlaran at sa paghatid ng karapat-dapat na serbisyo sa ating mga mamamayan.
Kinilala rin po natin si Mrs. Joefel Galang Grepo na siyang kakatawan sa ating lungsod sa gaganaping Mrs. Philippines Cavite International 2026. Asahan po ninyo ang buo naming pagsuporta ng ating lokal na pamahalaan sa pamumuno ng ating butihing Mayor Jon-Jon Ferrer kasama ang mga kagawad ng ating 5th Sangguniang Panlungsod sa inyong paglahok.
Kasabay nito ay nagpatuloy din po ang ating pag-akda at pagpasa ng mga makabuluhang ordinansa at resolusyon para sa ating lungsod at mamamayang Gentriseรฑo.
Ang lahat ng ito ay ating itinataas sa ating mahal na Panginoon!