28/05/2026
Taos-pusong pasasalamat sa DOH Chd Calabarzon Health Education and Promotion Unit - DOH CHD Calabarzon at Chdiva RoadSafety sa kanilang suporta at pakikiisa upang lalo pang mapaigting ang Road Safety Awareness sa Lungsod ng General Trias. Ang inyong tulong at gabay ay malaking bahagi sa pagpapalawak ng kaalaman ng ating komunidad ukol sa kaligtasan sa kalsada at kahalagahan ng Basic Life Support (BLS).
Lubos ding pinasasalamatan ang CHO NonCom Unit at HEPO Unit bilang mga punong-abala sa matagumpay na programang ito. Gayundin, maraming salamat sa CHO DRRM-H at Trias City Traffic Management and Road Safett Division sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, kasanayan, at expertise ukol sa Road Safety at BLS na tunay na nakatulong sa ating mga kalahok.
Taos-pusong pasasalamat din sa patuloy na suporta ng ating Lokal na Pamahalaan sa pangunguna nina City Mayor, Vice Mayor, at mga Kagalang-galang na Konsehal ng Lungsod, gayundin sa Office of the City Health Officer sa pamumuno ni City Health Officer Dr. Jonathan Porto Luseco para sa pagsusulong ng mga programang pangkalusugan at pangkaligtasan para sa mamamayan ng General Trias.
At higit sa lahat, maraming salamat sa ating mga Barangay na nagpadala ng kanilang mga participants mula sa mga Kagawad on Health, Chief Tanod, Barangay Tanod, at mga BHWs na naglaan ng kanilang oras upang matuto at makiisa sa pagsusulong ng Road Safety at Basic Life Support para sa kaligtasan ng bawat GenTrizen.
Sama-sama nating isulong ang disiplinado, ligtas, at handang komunidad para sa bawat mamamayan ng General Trias dahil sa Bagong Pilipinas, Bawat Buhay Mahalaga! 🚦⛑️💚💙
Public Information Office - City of General Trias
Office of the Provincial Health Officer - Cavite