LTO General Trias District Office

LTO General Trias District Office The Official page of LTO Gen. Trias District Office

20/07/2026

๐€๐๐ˆ๐’๐Ž ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa CALABARZON.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.




10/07/2026

๐๐€๐๐€๐–๐€๐†๐€๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐‹๐€๐‡๐€๐“ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž๐๐† ๐“๐€๐๐†๐†๐€๐๐€๐ ๐๐† ๐๐€๐Œ๐€๐‡๐€๐‹๐€๐€๐ ๐’๐€ ๐๐”๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐’๐€

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 2026-0004 dated June 22, 2026, ipinapaalala ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan na maaari nang i-download at gamitin ang mga opisyal na:

โœ… "Bawal ang Red Tape" Poster (Updated version)
โœ… Client Satisfaction Measurement (CSM) Poster

Ang mga poster na ito ay bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Law na naglalayong isulong ang mahusay, mabilis, at transparent na paghahatid ng serbisyo publiko.

I-download ang mga opisyal na poster dito:
๐Ÿ”— https://arta.gov.ph/bawal-ang-red-tape/

Basahin ang Memorandum Circular No. 2026-0004 dito:
๐Ÿ”—https://arta.gov.ph/wp-content/uploads/2026/07/ARTA-Memorandum-Circular-No.-2026-0004.pdf

๐๐š๐š๐ฅ๐š๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐ค๐จ

Kapag kayo ay nakipagtransaksyon sa alinmang tanggapan ng pamahalaan, hinihikayat namin kayong sagutan ang Client Satisfaction Measurement (CSM) Form o survey matapos ang inyong transaksyon.

Ang inyong feedback ay mahalagang batayan sa pagpapabuti ng kalidad ng serbisyo ng gobyerno at sa pagpapaigting ng transparency, accountability, at ease of doing business sa bansa.

Sama-sama nating isulong ang isang gobyernong mabilis, maayos, at tunay na naglilingkod sa bawat Pilipino.

ng

30/06/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐€๐‹๐€๐๐€๐‘๐™๐Ž๐, ๐๐€๐†๐๐€๐€๐๐Ž๐“ ๐๐† ๐ƒ๐Ž๐๐€๐’๐˜๐Ž๐ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐’๐€๐‹๐€๐๐“๐€ ๐๐† ๐‹๐ˆ๐๐ƒ๐Ž๐‹ ๐’๐€ ๐ˆ๐‹๐€๐‹๐ˆ๐Œ ๐๐† "๐Ž๐๐‹๐€๐ ๐“๐”๐‹๐Ž๐๐† ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž"

๐—ค๐˜‚๐—ฒ๐˜‡๐—ผ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† โ€” Bilang pakikiisa sa mga pamilyang naapektuhan ng malakas na lindol sa Mindanao, nagtungo ngayong araw sa Land Transportation Office (LTO) Central Office ang mga opisyal at kawani ng LTO Calabarzon upang personal na iabot ang donasyon sa ilalim ng programang "Oplan Tulong Mindanao."

Personal na tinanggap nina LTO Assistant Secretary Markus V. Lacanilao at LTO Executive Director Atty. Martin P. Ontog ang donasyong ipinagkaloob ng LTO Calabarzon sa pangunguna ni Regional Director Elmer J. Decena, kasama ang mga opisyal at kawani ng rehiyon. Ang tulong ay bunga ng sama-samang boluntaryong kontribusyon ng mga empleyado ng LTO Calabarzon bilang pakikiisa sa mga kababayang naapektuhan ng kalamidad.

Pinuri naman ni Assistant Secretary Lacanilao ang agarang pagtugon at pagkakaisa ng LTO Calabarzon sa pagsuporta sa "Oplan Tulong Mindanao," na layuning makapaghatid ng agarang tulong sa mga komunidad na labis na naapektuhan ng sakuna.

Ang inisyatibong ito ay patunay ng patuloy na pagkakaisa ng buong LTO sa paghahatid ng hindi lamang mahusay na serbisyo publiko, kundi maging ng malasakit at makabuluhang tulong sa mga Pilipinong nangangailangan



26/06/2026
22/06/2026

PRELIMINARY SYSTEM DOWNTIME ADVISORY
June 22, 2026

Please be advised that the Land Transportation Management System (LTMS) is currently offline as of 11:05 AM due to a system issue. As a result, LTMS-related services are temporarily unavailable at this time.

The concerned technical team is currently investigating the issue and working to restore the system at the soonest possible time.

We sincerely apologize for the inconvenience caused and appreciate your patience and understanding.

Further updates will be provided as soon as more information becomes available. Thank you.

26/05/2026

๐’๐„๐€๐“ ๐๐„๐‹๐“ ๐’๐€๐•๐„ ๐‹๐ˆ๐•๐„๐’

"Kahit Super Saiyan nagse-seat belt, kasi ang tunay na malakas may disiplina."







14/05/2026

๐—˜๐—ซ๐—ง๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ฉ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐——๐—œ๐—ง๐—ฌ

Alinsunod sa Memorandum Circular No. MVL-2026-5048 extended ang validity ng mga sumusunod:

-Driver's Licenses
-Conductor's Licenses
-Student-Driver's Permit
-Motor Vehicle Registration

Para sa mga nag-expire simula April 2026, extended ito ng 3 buwan mula sa original expiry date. Kung nag-expire ang dokumento noong April o May, maaari pa itong irenew sa loob ng extension period ng walang surcharges, penalty o fine.






29/04/2026

๐Œ๐š๐ฒ ๐’๐ฎ๐ฆ๐›๐จ๐ง๐  ๐Š๐š? ๐ˆ-๐‘๐ž๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐Œ๐จ ๐Š๐š๐ฒ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ!
๐˜“๐˜›๐˜–, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข-๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ โ€˜๐˜’๐˜ถ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜“๐˜›๐˜– ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฆ๐˜งโ€™ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฎ

Bilang bahagi ng ika-anim na buwan ng mga naisagawang hakbang ng pamunuan, nagkaroon ng programang โ€œKuwentuhan with the LTO Chiefโ€ ang Land Transportation Office (LTO) na naglalayong magbigay ng malinaw at accessible na paliwanag sa publiko hinggil sa nga polisiya, reporma, at resulta ng operasyon ng ahensya. Tampok sa unang sesyon nang nasabing programa ang paglulunsad ng โ€œI-Report Mo Kay LTO Chief,โ€ isang direktang sumbungan na nagbibigay sa publiko ng mabilis at madaling paraan upang mag-ulat ng reklamo, katiwalian, o concern sa pamamagitan ng website na www.ireportmokayltochief.ph at opisyal na page/messenger nito na I-Report Mo Kay LTO Chief. Ang inisyatibong ito ay kaayon ng 7-point priority agenda ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, partikular sa pagpapalakas ng transparency, accountability, at agarang pagtugon sa mga hinaing ng publiko.

Sa ilalim ng โ€œI-Report Mo Kay LTO Chief,โ€ maaaring magsumite ang sinumang motorista o mamamayan ng kanilang ulat kaugnay ng operasyon, serbisyo, o kaugalian ng mga tauhan ng LTO, kabilang ang mga insidente ng road rage, mapanganib na pagmamaneho, at iba pang paglabag na naglalagay sa peligro sa kaligtasan sa kalsada. Ang mga matatanggap na sumbong ay agad na dadaan sa kaukulang beripikasyon upang matiyak na naaaksyunan ang bawat reklamo alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na reporma ng ahensya upang palakasin ang accountability at gawing mas bukas ang komunikasyon sa pagitan ng gobyerno at publiko.

Hinihikayat ng LTO ang publiko na gamitin ang โ€œI-Report Mo Kay LTO Chiefโ€ bilang isang responsableng paraan ng pakikilahok upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at mabisang sistema ng transportasyon sa bansa.

Address

Bypass Road , San Juan II
General Trias
4107

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO General Trias District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share