14/03/2017
Gusto ko lang i-share na may nag PM sakin ngayong gabi, at ito po ang sagot ko.
"Life Insurance - an agreement in which a person makes regular payments to a company and the company promises to pay money if the person is injured or dies."
Paano nga ba ito ieexplain ng tagalog?
Para sa akin ang insurance ay ....
1) PANIGURADO. Bumibili tayo nito para kapag tayo ay sumakabilang buhay ay siguradong may matatanggap na pera ang mga naiwan nating mahal sa buhay.
2) PANGAKO. Para sa isang ama o ina na tumataguyod ng pamilya, ito ay isang pangako para sa asawang naiwan o mga anak na hindi sila maghihirap pag ikaw ay pumanaw. Maitutuloy pa din ni kuya, ate o ni junior ang pag-aaral kahit wala ka na.
3) PAMBAYAD UTANG. Kung ikaw ay may mga pinagkakautangan sa banko o credit card o sa ibang tao o di kaya ay may mga binabayaran ka tulad ng bahay, kotse at kung ano pa, kapag biglaan ang pagka "wala" mo, hindi kailangan mamroblema ang pamilya mong naiwan kung saan kukunin ang pambayad nila sa mga ito.
4) PANG SALBA. Kapag ikaw ay nagkasakit ng malubha o kritikal tulad ng atake sa puso, kanser at iba pa. Pwede itong pang salba sa mga gastusin mo sa pagpapagamot, basta merong kalakip na benepisyo para sa kritikal na sakit ang binili mong produktong "life insurance".
5) PANG-IPON. Dahil nagkaron na ng tinatawag na VUL (Variable Universal Life) na produkto, pwede ka ng mag-ipon para sa kinabukasan mo at paghandaan ang isang bagay na minimithi.
6) PAMBAYAD NG BUWIS. Kung tayo ay may mga ari a***n na napundar, tandaan natin na hindi ito kaagad agad mapupunta sa mga anak natin hanggat hindi sila nagbabayad ng karampatang buwis. Sino ba ang gusto nating makinabang sa mga napundar natin? Ang gobyerno? o ang mga mahal natin sa buhay?
Madami pang pwedeng maging silbi ang "life insurance" at lahat tayo dapat meron nito. Lahat naman tayo iisa lang ang patutunguhan.... wag nating iwan ang ating mga mahal sa buhay ng problemang pinansyal pag tayo ay nawala.
Huwag nating ipagpaliban ang pagkuha nito, huwag natin hintayin dumating ang panahon na hindi na tayo pwede kumuha dahil meron na tayong sakit, hindi na tayo "healthy", at hindi na tayo bata.
Sana po ay nakatulong ito.
♫♪
About