Brgy. Buenavista 2

Brgy. Buenavista 2 Government Division of General Trias City Province of Cavite

Brgy Hotline Num ( 09456336303 )

In thanksgiving for 13 wonderful years of serving our community, Gentri Doctors Medical Center is bringing back the care...
10/08/2026

In thanksgiving for 13 wonderful years of serving our community, Gentri Doctors Medical Center is bringing back the care closer to us through their 13th Anniversary Outreach Program & Medical Mission!

โ€‹๐Ÿ“ Location: Barangay Buenavista II Sophia's Pavillion

๐Ÿ“… Date: August 13, 2026

โฐ Time: 8 AM - 12 PM

โ€‹Free Services Offered:

๐Ÿฉบ Internal Medicine

๐ŸคฐOB Check-ups

๐Ÿ‘ถ Pediatric Check-ups

โ€‹Note: contact our Barangay Health Workers for the PRE- REGISTRATIONS

โ€‹See you there, mga Ka-Buenasdos!

๐Ÿ“ข CLASS SUSPENSION ADVISORYThursday, August 6, 2026Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), na pinalal...
05/08/2026

๐Ÿ“ข CLASS SUSPENSION ADVISORY
Thursday, August 6, 2026

Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), na pinalalakas ng Bagyong MAYMAY, at inaasahang magdudulot ng tuloy-tuloy hanggang malalakas na pag-ulan sa Lalawigan ng Cavite, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong lalawigan ngayong Huwebes, August 6, 2026.

Pinapayuhan ang lahat na unahin ang kanilang kaligtasan at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, ng inyong lokal na pamahalaan, at ng mga kinauukulang ahensya.

Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan ang ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po at mag-ingat ang lahat. ๐Ÿ’™

๐Ÿ“ข CLASS SUSPENSION ADVISORY
Thursday, August 6, 2026

Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat), na pinalalakas ng Bagyong MAYMAY, at inaasahang magdudulot ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan sa Lalawigan ng Cavite, suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, sa buong lalawigan ngayong Huwebes, August 6, 2026.

Pinapayuhan ang lahat na unahin ang kanilang kaligtasan at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na anunsyo ng PAGASA, ng inyong lokal na pamahalaan, at ng mga kinauukulang ahensya.

Ang kaligtasan ng ating mga mag-aaral, g**o, at mga kawani ng paaralan ang ating pangunahing prayoridad.

Maraming salamat po at mag-ingat ang lahat. ๐Ÿ’™

Magandang araw kabarangay!UPLIFT PROGRAM (DSWD)Ang mga benepisyaryo po ng programa ay galing po sa DSWD region 4A.1. TAN...
31/07/2026

Magandang araw kabarangay!

UPLIFT PROGRAM (DSWD)

Ang mga benepisyaryo po ng programa ay galing po sa DSWD region 4A.

1. TANONG: Saan nila nakuha ang mga pangalan na naging benepisyaryo?
SAGOT: Ang mga nakalistang pangalan dito ay galing sa CBMS (Community Based Monitoring System) under ng PSA.
Sila ang nagbahay bahay noong taong 2024 sa ating mga tahanan upang makuha ang record ng bawat pamilya sa ating komunidad.
Kung may pagkakataon na sila ay hindi po ninyo pinansin ay malamang wala kayo sa listahan.

Wala pong kinalaman ang barangay o ang ating lokal na pamahalaan sa paglista ng pangalan. Wala pong palakasan o sasabihin na kilala kasi ng mga nakaupo sa barangay kaya nakasama sa listahan.

Sana po ay malinaw sa ating lahat.

Sa mga nakalista po sa masterlist, ito ay naverify na ng barangay. Susunod na hakbang ay magpunta sa DSWD office sa pag fill up ng form.

Maraming salamat po!

Ngayong araw ay isinagawa ang pagbisita sa ating HAPAG sa Barangay ng mga kinatawan ng  Department of Health, Department...
24/07/2026

Ngayong araw ay isinagawa ang pagbisita sa ating HAPAG sa Barangay ng mga kinatawan ng Department of Health, Department of Agriculture at Department of Interior and Local Government General Trias.
Ang Pamahalaang Barangay ng Buenavista II ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga kinatawan at sa ating mga Barangay Nutrition Scholars para sa kanilang patuloy na suporta, gabay, at dedikasyon sa pagsusulong ng mga programang naglalayong mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng bawat pamilyang Buenavista II.

Sama-sama tungo sa isang mas masustansya, masagana, at matatag na pamayanan.

Sa pamamagitan ng proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos na "Bawat Barangay makikinabang Program" , matagumpay na naipagk...
22/07/2026

Sa pamamagitan ng proyekto ni Pangulong Bongbong Marcos na "Bawat Barangay makikinabang Program" , matagumpay na naipagkaloob at naumpisahan ang Streetlight Project para sa ating barangay. Ang proyektong ito ay naglalayong magbigay ng mas maliwanag at ligtas na kapaligiran para sa lahat ng ating mga kabarangay, lalo na sa mga pangunahing kalsada at pampublikong lugar.

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito. Nawa'y magsilbi itong simbolo ng patuloy na pag-unlad at pagkakaisa ng ating komunidad.

Sama-sama nating pangalagaan ang mga proyektong para sa kapakanan ng bawat isa.

Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) Kamakailan po (July 17, 2026) ay muling namahagi ng gulay ang Sangguniang B...
21/07/2026

Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG)

Kamakailan po (July 17, 2026) ay muling namahagi ng gulay ang Sangguniang Barangay ng Buenavista 2 sa pangunguna ng ating Butihing Kapitan Rodel Lumanog Juliano katuwang ang Barangay Nutrition Council (BNC).

Ipinamahagi pong muli sa kani - kanilang tahanan ang gulay na mula sa HAPAG ng ating Barangay para sa 50 benepisyaryo ng ating Barangay Nutrition Council.

Kalakip ng Programa o adhikaing ito na mapaigting at mapagyabong ang programang pang kalusugan ng ating Barangay na "Masustansyang Pagkain, Matatag na Pamilya, Maunlad na Buenavista 2

13/07/2026
๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BUENAVISTA IIDahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, hinihikayat po ang lahat na...
10/07/2026

๐Ÿ“ข PAALALA SA MGA RESIDENTE NG BARANGAY BUENAVISTA II

Dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan, hinihikayat po ang lahat na manatili muna sa loob ng inyong tahanan at iwasan ang hindi kinakailangang paglabas upang mapanatili ang inyong kaligtasan.

Kung may agarang pangangailangan o emergency, maaari po kayong makipag-ugnayan sa Barangay Official Hotline: 0945 633 6303.

Maging alerto, mag-ingat, at unahin ang kaligtasan ng bawat isa.

Ang Barangay Buenavista II ay laging handang maglingkod sa inyo. ๐Ÿ’š๐Ÿ’™

Narito po ang Official Hotline ng ating Barangay, maari nyo po ito tawagan kung may nais kayo idulog, isumbong o may iba...
08/07/2026

Narito po ang Official Hotline ng ating Barangay, maari nyo po ito tawagan kung may nais kayo idulog, isumbong o may iba pang katanungan o concern kayong nais na iparating. Bukas po ang linyang ito 24/7.

Address

Diego Mojica Highway Brgy Buenavista 2
General Trias
4107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy. Buenavista 2 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share