13/05/2026
๐๐ง๐๐ก๐๐๐๐ ๐๐ก๐ ๐๐จ๐ก๐ ๐ญ๐ฎ ๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ฌ๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฆ
Alam mo bang mula 1946 hanggang 1961 ay kasabay nating ipinagdiriwang ng Estados Unidos ang Independence Day tuwing July 4?
Bagama't idineklara ni Pangulong Emilio Aguinaldo noong June 12, 1898 ang Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya, hindi naging ganap na malaya ang bansa. Pinawalang-bisa ng Kasunduan sa Paris noong December 10, 1898 ang proklamasyon ng kalayaan ng bansa, at unti-unting inilipat ang pamumuno sa bansa sa ilalim ng U.S. Sa bisa ng Philippine Independence Act o Batas Tydings-McDuffie, nakamtan ng ating bansa ang ganap ng kalayaan na ating ipinaglalaban mula panahon ng mga Espanyol noong July 4, 1946. Isinunod ng Amerika ang araw ng ating kalayaan sa kanilang Independence Day. Nang araw ding iyon, pinasinayaan ang Ikatlong Republika ng Pilipinas - kung kaya't kilala rin ang July 4 sa bansa bilang 'Republic Day'. Idineklara ni US President Harry S. Truman sa buong mundo na malaya na ang Pilipinas.
Noong May 12, 1962, sa bisa ng Presidential Proclamation No. 28 na nilagdaan ni nooโy Pangulong Diosdado Macapagal, inilipat ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan mula July 4 sa araw ng June 12, ang kalayaang idineklara ng mga Filipino. Unang ipinagdiriwang ang Araw ng Kalayaan nang June 12 noong 1962, na mismong dinaluhan ng nooโy 93 taong gulang na si Emilio Aguinaldo. Noong August 4, 1964, isinabatas ang Republic Act No. 4166 na nagdedeklara sa June 12 bilang Philippine Independence Day at July 4 bilang Republic Day.
Sa ilalim ng administrasyong Ferdinand Marcos, Sr., itinakda ang July 4 bilang Filipino-American Friendship Day sa bisa ng Proclamation No. 2364 na nilagdaan noong 1984. Sa pagpasa ng Administrative Code of the Philippines, 1987 na naisabatas sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Corazon Aquino, pormal nang tinanggal ang July 4 o Republic Day bilang isang holiday. Hindi ito isinama sa talaan ng mga public holiday sa bansa.
Official Gazette of the Philippines. Republic Day. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/.../republic-day/about/
Proclamation No. 28, s. 1962. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/.../proclamation-no.../
Proclamation No. 2364, s. 1984. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/.../proclamation-no-2364/
Republic Act No. 4166. Retrieved from https://www.officialgazette.gov.ph/.../republic-act-no-4166/