14/03/2023
Para sa mga kabataang baguhan pa lang sa pag-ibig, mahalagang makinig sa mga nakakatandang bihasa na sa pakikipagrelasyon. Ito ang ilan sa mga tips o payo na maaari ninyong ibahagi sa inyong anak tungkol sa pakikipagrelasyon.
๐งก Humanap ng ka-partner na tanggap ang iyong buong pagkatao. Ibig sabihin, kumportable kang maging sarili mo kapag kasama sila. Napag-uusapan ninyo ang mga opinyon ninyo, kahit na minsan nagkakaiba. May tiwala kayo sa isaโt isa. At hindi ka nila pinupwersang gawin ang kahit anong bagay, lalo na sa mga bagay na sekswal.
๐งก Huwag kalimutan ang mga kaibigan. Mahalagang magkaroon pa rin ng social life bukod sa romantic relationship ninyo. Huwag iwanan ang mga kaibigan dahil lang sa bagong kinakasama.
๐งก Pangalagaan ang sariling pagkatao. Mahalagang linangin mo pa rin ang sarili mong interes at identity kahit na may karelasyon ka na. Tutulong itong pagtibayin ang kumpiyansa mo sa sarili.
๐งก Huwag takbuhan ang problema. Lumalaki ang problema kapag tinatago o iniiwasan. Matutong angkinin ang sariling pagkakamali, at maging bukas na pag-usapan ang mga โdi pagkakaintindihan upang makahanap ng solusyon.
Para sa mga karagdagang payo at parenting tips, sumali na sa aming Facebook group, Konektado Tayo PH.