05/04/2026
𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Tuloy parin ang pinaigting na pagbabantay ng Coast Guard Station Eastern Sarangani sa mga baybayin upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga taong nagtutungo sa dagat ngayong Sabado de Gloria, ika-04 ng Abril 2026.
Layunin nitong maiwasan ang mga insidente tulad ng pagkalunod, aksidente sa bangka, at iba pang sakuna sa karagatan.
Samantala, patuloy ding pinapaalalahanan ang publiko na maging responsable sa kanilang paglalakbay, sumunod sa mga itinakdang alituntunin, at iwasan ang pagpunta sa mga ipinagbabawal o delikadong lugar upang maging ligtas at maayos ang paggunita ng Semana Santa.
[Photos by: CGS Eastern Saranggani]
🇵🇭