Bicol Politics

Bicol Politics Regional news and updates around Bicol

Huli pero hindi kulong?Kinumpirma ni Jesus Crispin Remulla na wala na sa Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list R...
28/04/2026

Huli pero hindi kulong?

Kinumpirma ni Jesus Crispin Remulla na wala na sa Czech Republic si dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co.

Ayon sa kalihim, ito ang napag-alaman matapos ang pakikipagpulong ng high-level coordinating team ng Pilipinas sa Czech Ministry of Justice.

Wala pang tiyak na impormasyon kung nasaan eksakto si Co, ngunit tiniyak na nananatili ito sa loob ng Schengen Area.

VP SARA NAG-CHURCH VISIT SA SULUNagbahagi si Vice President Sara Duterte ng mga larawan ng pagbisita niya sa Our Lady of...
26/04/2026

VP SARA NAG-CHURCH VISIT SA SULU

Nagbahagi si Vice President Sara Duterte ng mga larawan ng pagbisita niya sa Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.
Ibinahagi din niya ang throwback photos niya nang unang bumisita sa lugar.

📸: Inday Sara Duterte

BATO ABSINERO SA SENADONangunguna si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa may pinakamaraming absent sa first regular sessi...
09/04/2026

BATO ABSINERO SA SENADO

Nangunguna si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa may pinakamaraming absent sa first regular session ng Senado sa 20th Congress, batay sa official attendance record ng Senado.
Sinundan siya ni Senadora Camille Villar —na nag-file ng maternity leave— at Minority Leader Peter Cayetano, na nagtala ng 14 na absent.

RTC PILI, PINAGTIBAY ANG NAUNANG DESISYON SA EXPROPRIATION; MGA MOSYON, IBINASURA!Pinaboran ng Regional Trial Court (RTC...
09/04/2026

RTC PILI, PINAGTIBAY ANG NAUNANG DESISYON SA EXPROPRIATION; MGA MOSYON, IBINASURA!

Pinaboran ng Regional Trial Court (RTC) Branch 33 sa Pili ang pamahalaang panlalawigan ng Camarines Sur sa kasong expropriation laban sa ilang magsasaka, matapos nitong ibasura ang mga mosyon na inihain ng mga respondent upang pigilan ang pagkuha ng lupa.

Sa kautusang may petsang Abril 7, 2026, tinanggihan ng korte ang ex parte urgent motion para sa Temporary Restraining Order (TRO) at writ of preliminary injunction na inihain ng mga nasasakdal. Ayon sa korte, walang sapat na batayan upang pigilan ang implementasyon ng naunang kautusan hinggil sa pagkuha ng nasabing mga lupain.

Ipinunto ng hukuman na ang sinasabing pinsala ng mga magsasaka ay pangunahing “economic” lamang at maaaring mabayaran sa pamamagitan ng just compensation, na siyang sentrong usapin sa mga kasong expropriation. Dagdag pa rito, hindi umano napatunayan ang “irreparable injury” na kinakailangan upang maglabas ng injunction.

Binigyang-diin din ng korte na sumunod ang lokal na pamahalaan sa mga legal na rekisitos sa pagkuha ng ari-arian, kabilang ang kinakailangang deposito at ang proseso ay dumaan sa tama at legal na pamamaraan alinsunod sa batas.

Nilinaw rin ng korte na ang ginagawang pagbabakod ng pamahalaan sa mga lupang sakop ng kaso ay hindi maituturing na paglabag sa naunang kautusan, at hindi rin ito awtomatikong nangangahulugan ng demolisyon ng mga istruktura.

Bukod dito, ibinasura rin ng korte ang motion for reconsideration ng ilang mga magsasaka, dahil umano sa kawalan ng bagong argumento o ebidensya. Gayundin, itinuring na may kakulangan sa pormal na rekisito ang mosyon para sa indirect contempt kaya ito rin ay hindi pinaboran.

Sa nasabing kautusan, muling iginiit ng korte ang naunang direktiba na nagbibigay ng tatlumpung (30) araw sa mga apektadong residente upang alisin ang kanilang mga istruktura sa mga lupang sakop ng expropriation.

Ayon sa korte, sa sandaling matugunan ng pamahalaan ang mga legal na rekisito sa expropriation, may karapatan itong angkinin ang mga lupain para sa pampublikong gamit.

Hindi inaalis ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na pumalo pa sa ₱200 ang kada litro ng diesel.
08/04/2026

Hindi inaalis ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na pumalo pa sa ₱200 ang kada litro ng diesel.

SASAKYAN, SUMAMPA SA ROAD BARRIERS SA GUINOBATANSumampa sa concrete barriers at nakabangga ng road signage ang isang sas...
07/04/2026

SASAKYAN, SUMAMPA SA ROAD BARRIERS SA GUINOBATAN

Sumampa sa concrete barriers at nakabangga ng road signage ang isang sasakyan sa Brgy. Morera, Guinobatan noong Abril 7.

Nagtamo ito ng matinding pinsala at nagdulot ng bahagyang abala sa trapiko.

Agad rumesponde ang Bureau of Fire Protection at tiniyak na walang fuel leak o panganib. Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente.

📷 | BFP Guinobatan

MEET THE ARTEMIS II ASTRONAUTS 🚀🌌Ipinakilala ng NASA ang apat na astronaut ng Artemis II—ang kauna-unahang crewed missio...
06/04/2026

MEET THE ARTEMIS II ASTRONAUTS 🚀🌌

Ipinakilala ng NASA ang apat na astronaut ng Artemis II—ang kauna-unahang crewed mission sa Moon sa loob ng ilang dekada.

Pinangungunahan ito ni Reid Wiseman bilang commander, kasama si Victor Glover (pilot), at mission specialists na sina Christina Koch at Jeremy Hansen ng Canadian Space Agency.

Tatlo sa kanila ay beterano ng International Space Station, habang si Hansen ang unang Canadian na maglalakbay papuntang Moon.

As of 8:00 AM today, 05 April 2026, no Low Pressure Areas (LPA) are being monitored for Tropical Cyclone Formation.All a...
05/04/2026

As of 8:00 AM today, 05 April 2026, no Low Pressure Areas (LPA) are being monitored for Tropical Cyclone Formation.

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.

‘EARTH'S BRILLIANT BLUE BEAUTY’ 💙The Artemis II astronauts have captured our blue planet’s brilliant beauty as they zoom...
04/04/2026

‘EARTH'S BRILLIANT BLUE BEAUTY’ 💙

The Artemis II astronauts have captured our blue planet’s brilliant beauty as they zoom ever closer to the moon.

NASA released the crew’s first downlinked images Friday, 1 1/2 days into the first astronaut moonshot in more than half a century.

(📸: NASA)

WALANG TSUNAMI THREAT SA PILIPINAS Matapos ang Magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Northern Molucca Sea sa may baybayi...
02/04/2026

WALANG TSUNAMI THREAT SA PILIPINAS

Matapos ang Magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Northern Molucca Sea sa may baybayin ng Ternate, Indonesia, umaga ng April 2, inanunsyo ng DOST-PHIVOLCS na walang banta ng tsunami sa Pilipinas.

LOOK: Isang honor student sa pribadong paaralan sa Tigaon ang hindi pinayagang makasama sa Moving-Up Ceremony dahil uman...
30/03/2026

LOOK: Isang honor student sa pribadong paaralan sa Tigaon ang hindi pinayagang makasama sa Moving-Up Ceremony dahil umano sa kanyang haircut.

Ayon sa ama na si Joel Brutas, nakapila na sila para sa entablado nang bigla silang hindi pinayagan. Kahit nakiusap na makasama na lang sa programa, hindi pa rin umano tatawagin ang pangalan ng estudyante kaya napilitan silang umalis.

Address

Scout Fuentebella
Goa
4422

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bicol Politics posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share