29/01/2026
APRUBADO NA: WALANG BUWIS SA SARI-SARI STORE AT CARINDERIA SA MARIKINA
Inaprubahan ng lokal na pamahalaan ng Marikina City ang 100% tax relief para sa mga sari-sari store at carinderia para sa tax year 2026.
Nilagdaan ni Mayor Maan Teodoro noong Enero 19, 2026 ang ordinansa na nagbibigay ng libreng business permit at business tax exemption sa mga kwalipikadong maliliit na negosyo.
Saklaw ng tax relief ang mga sari-sari store at carinderia na may puhunan na hanggang ₱10,000 o may taunang benta na hindi lalampas sa ₱250,000, at hindi nagbebenta ng sigarilyo o alak.
Pinalawig din ng lungsod ang business permit renewal hanggang Pebrero 28, 2026.
Bukod dito, pinayagan ang mga may atraso sa amilyar na bayaran ang kanilang Real Property Tax hanggang Hulyo 5, 2026 nang walang interes at surcharge.