BJMP Region 7 Chaplaincy Service Section

BJMP Region 7 Chaplaincy Service Section Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BJMP Region 7 Chaplaincy Service Section, Prison & Correctional Facility, Guadalupe.

The Chaplaincy Service Section envisions a morally upright, spiritually renewed, and value-oriented BJMP community that upholds faith, integrity, and compassion in serving God, country, and people.

Maligayang Ika-12 Anibersaryo ng Pagkapari,   JSINSP REV FR RICARDO A PANGHULANMay mga taong tinatawag upang maglingkod,...
23/08/2026

Maligayang Ika-12 Anibersaryo ng Pagkapari,
JSINSP REV FR RICARDO A PANGHULAN

May mga taong tinatawag upang maglingkod, ngunit may mga piling kaluluwang tinatawag upang maging liwanag para sa iba. Sa loob ng labindalawang taon, ang inyong pagkapari ay naging isang marangal na paglalakbay ng pananampalataya, pag-aalay, paglilingkod, at pag-ibig sa kapwa.

Sa bawat panalangin, payo, at tahimik na paglilingkod, kayo ay naging tanglaw sa mga pusong naghahanap ng pag-asa, kanlungan ng mga nangangailangan ng pag-unawa, at kasangkapan ng Diyos sa paghilom ng mga sugatang kaluluwa.

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Maykapal ng lakas sa bawat pagsubok, karunungan sa bawat pagpapasya, at biyaya sa bawat hakbang ng inyong bokasyon. Nawa’y manatiling nag-aalab ang inyong puso sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

Taos-pusong pagbati mula sa BJMP REGION VII
kay JSINSP REV FR RICARDO A PANGHULAN
sa inyong ika-12 Anibersaryo ng Pagkapari.

Labindalawang taon ng biyaya.
Labindalawang taon ng paglilingkod.
Labindalawang taon ng pagiging tanglaw,
daluyan ng paghilom, at tagapaghatid ng pag-asa.

Ad multos annos, Padre!
Nawa’y pagpalain pa kayo ng Diyos ng marami pang taon ng banal at makabuluhang paglilingkod.






22/08/2026

VALUES RESTORATION PROGRAM | “PAGPAPATAWAD”

Sa ika-33 linggo ng Values Restoration Program, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapatawad—ang kakayahang bitawan ang galit at sakit upang makapagpatuloy nang may mas magaan na puso at mas malinaw na pag-unawa sa iba.

Ang pagpapatawad ay hindi tanda ng kahinaan, kundi isang pagpapakita ng katatagan, pag-unawa, at pagmamahal sa kapwa. Nawa’y magsilbi itong gabay sa bawat isa tungo sa pagbabago, pagkakasundo, at panibagong simula.




22/08/2026

𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄𝐒 𝐑𝐄𝐒𝐓𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 | 𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐏𝐀𝐓𝐀𝐖𝐀𝐃

TINGNAN: Ang Bohol District Jail–Female Dormitory ay nagsagawa ng Weekly Values Restoration Program (VRP) para sa mga personnel, na naglalayong patuloy na mapalalim ang pagpapahalaga sa mabubuting asal, tamang pananaw, at positibong pakikitungo sa kapwa.

Tinalakay ni JO1 Ralph Ben H Tagupa ang paksang “Pagpapatawad,” na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapakumbaba, pag-unawa, at pagbitaw sa sama ng loob upang makamit ang panloob na kapayapaan at magkaroon ng panibagong pananaw sa buhay.


#𝑪𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈𝑳𝒊𝒗𝒆𝒔𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈𝑨𝑺𝒂𝒇𝒆𝒓𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏

22/08/2026
22/08/2026
22/08/2026

Agosto 17, 2026 | Programa sa Pagpapanumbalik ng mga Pagpapahalaga: Pagpapatawad

Matagumpay na isinagawa sa Talisay City Jail – Female Dormitory ang Values Restoration Program (VRP) na pinangunahan ni JO3 Joe Marlo H Cabatingan, na nakatuon sa lingguhang pagpapahalagang “Forgiveness” o Pagpapatawad.

Sa pamamagitan ng VRP, patuloy na nahuhubog ang mga PDL tungo sa personal na pagbabago, mabuting pakikitungo sa kapwa, at mas maayos na pagbabalik sa komunidad.

#𝑪𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈𝑳𝒊𝒗𝒆𝒔𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈𝑨𝑺𝒂𝒇𝒆𝒓𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏

22/08/2026

PAGPAPAHALAGA NG LINGGO | VALUES RESTORATION PROGRAM

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng Values Restoration Program (VRP) ng Naga City Jail Female Dormitory, isinagawa ang talakayan tungkol sa “Pagpapahalaga ng Linggo” na naglalayong palakasin ang mabubuting pagpapahalaga, disiplina, at positibong pag-uugali ng mga PDL.

Pinangunahan ni JO1 Lapinid, tauhan ng Naga City Jail Female Dormitory, ang nasabing talakayan kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasabuhay ng mabubuting pagpapahalaga sa pang-araw-araw na buhay.

Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na hinihikayat ang mga PDL na magkaroon ng positibong pananaw, matutong managot sa kanilang mga kilos, at magsikap tungo sa personal na pagbabago at pagbabagong-buhay.




#𝗔𝗰𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁𝗮𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝘁𝘆
#𝑪𝒉𝒂𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈𝑳𝒊𝒗𝒆𝒔𝑩𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈𝑨𝑺𝒂𝒇𝒆𝒓𝑵𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏

22/08/2026

JO1 Rhea Lynne Gungob ay binigyang-diin ang kahalagahan ng 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗱 bilang tema ng Values Restoration Program, na nagbibigay-diin sa pahayag na "𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗱 𝗸𝗮𝘆𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗴 𝗹𝗼𝗼𝗯, 𝗸𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗽𝗮𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝘀𝗮 𝗴𝗮𝗹𝗶𝘁, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮𝘆𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗶𝗵𝗶𝗴𝗮𝗻𝘁𝗶." paalala na magiging daan din ito sa pagkakaron ng paggalang, pagkakaunawaan at pagkakaisa.






========
Keep updated on our events and activities
Don’t forget to Like and Follow our official page at the link below.
https://www.facebook.com/BJMPMedellinDistrictJailFemaleDorm

Address

Guadalupe
6000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BJMP Region 7 Chaplaincy Service Section posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share