22/11/2025
Muling nag-sagawa ng Community Needs Assessment (CNA) ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) para sa mga aplikante ng housing project na planong itayo para sa St. Vincent Home Homeowners Association Inc. sa Brgy. San Vicente (Ebus) Guagua Pampanga.
Ang assessment na ito ay naglalayon na magabayan ang mga aplikante para sa kanilang application. At upang maipakilala ng lubusan ang St. Vincent Home Homeowners Association Inc.
Ang St. Vincent Home Homeowners Association Inc. ay isang pampublikong proyekto na popondohan ng Gobyerno sa pamamagitan ng Enhanced Community Mortgage Program ng SHFC upang makapagbigay ng de-kalidad ngunit murang pabahay para may mga low-to-mid income earners, pero ang ating association po isang private organization na may mga Rules & Regulations na dapat sundin.
Kapag nakatanggap na po ng Application Form, mag-kumpleto na lamang po kayo ng requirements at mag-antay ng araw kung kailan ang pasahan (Target date: December 5,2025, Friday)
Muli, maraming salamat po sa lahat ng umattend, sa mga HOA Officers at mga sumusuporta po sa ating proyekto ( Ma'am Malu, Ma'am Marikit, Ma'am Janice, Ma'am Girlie, Sir Gil, Sir Jess) at sa mga Officers po ng SHFC, at sa mga Brgy. Officials ng Brgy. San Vicente (Ebus) - Kap. Tiongson. Maraming salamat po.