05/04/2026
Kung hindi mo pa rin nai-imagine kung gaano kabuti ang Diyos, read this.
Kung normal na tao lang 'yan, pagkatapos maka-survive sa kamatayan, malamang naghiganti na sa lahat ng humampas, nagmura, o dumura sa kaniya.
(Pati na rin sa lahat ng nag-swimming, nag-outing, o kumain ng karne habang siya naman ay nagdurusa. Buti na lang, si Hesus Siya.)
✝
Sa muling pagkabuhay ni Hesus, ang unang regalo niya ay kapayapaan. Hindi kasi maririnig ng taong may guilt sa puso ang Kaniyang mensahe kung wala itong kapayapaan.
Guilt sa pang-iiwan, guilt sa hindi paninindigan.
🕊️ 🕊️ 🕊️
"See you sa Galilea," -- ganito siguro ang sasabihin ni Hesus kung sa panahon natin siya nabuhay.
Ang sabi ni Fr. Jonathan Raven Sison sa kaniyang Easter Homily, sa Galilea nagsimula ang lahat -- ang pagpili niya ng mga kaibigang makakasama, at ang misyon nila ng pangangaral ng Mabuting Balita.
Mula sa Jerusalem kung saan Siya ipinako at namatay, hinabilin ng mga anghel kay Maria Magdalena na magkita-kita silang muli sa Galilea. Mga 120 kilometers ang layo -- Pampanga hanggang Ilocos Sur, para may idea ka.
🏝️
Bakit?
"See you sa Galilea" -- "Tara magsimula tayong muli."
🙏🙏🙏
Sana ang Guagua ay makita rin natin bilang ating Galilea, kung saan ang mga tao ay makakapagsimulang muli nang walang mga matang mapanghusga na hahamak pa sa kanila.
Sana, sa tuwing mawawala sa landas ang ating mga kababayan, bumalik sila dito para maalala ang kanilang pinagmulan.
See you sa Guagua, tara magsimula tayong muli.