RNHS-Supreme Secondary Learner Government

RNHS-Supreme Secondary Learner Government Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from RNHS-Supreme Secondary Learner Government, Government Organization, Rizal, Gubat.

HAPPY WOMEN'S MONTH!💜Sa ating pagdiriwang ng International Women’s Day, buong pugay nating kinikilala ang ating mga g**o...
24/03/2026

HAPPY WOMEN'S MONTH!💜

Sa ating pagdiriwang ng International Women’s Day, buong pugay nating kinikilala ang ating mga g**ong Filipina na nagsisilbing mga makabagong Babaylan—ang mga pinuno at gabay ng ating mga mag-aaral. Ang temang "Lead like Babaylans, Filipinas" ay buhay na buhay sa bawat silid aralan ng ating paaralan, hindi lamang kayo nagtuturo ng mga asignatura, kundi humuhubog din kayo ng karakter at nagpapanatili ng ating kultura at dangal bilang isang lahi. Sa inyong mapagkalingang pamumuno na may kalakip na talino at tapang, pinatutunayan ninyo na ang pagiging g**o ay isang sagradong tungkulin na nangangailangan ng pusong handang maglingkod at mag-akay sa ating mga kabataang Rizalian tungo sa mas maliwanag na bukas. Kayo ang mga modernong babaylang handang humarap sa anumang hamon ng panahon, bitbit ang sulo ng karunungan at ang pagmamahal na walang kapantay, kaya’t ngayong araw ay saludo kami sa inyong galing, sa inyong sakripisyo, at sa inyong hindi matatawarang ambag sa pagpapatuloy ng ating dakilang kasaysayan. Maraming salamat sa lahat ng G**o ng Rizal National High School🫶

March 12, 2025To the  Local Government Unit (LGU), kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pagdaos ng campus tour s...
14/03/2026

March 12, 2025

To the Local Government Unit (LGU), kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong pagdaos ng campus tour sa aming paaralan. ito ay isang napakalaking karanasan para sa amin, at naging daan ito upang gumabay sa aming mga pangarap at mithiin.

Sa mga opisyal at empleyado ng LGU, kami ay nagpapasalamat sa inyong dedikasyon sa paghubog ng mga kabataan at pagtulong sa komunidad. Ang inyong mga salita ng inspirasyon at gabay ay nagbigay ng lakas at motibasyon sa aming mga mag-aaral upang magpatuloy sa kanilang mga pangarap.

Isang malaking pagbati sa ating mga bagong halal na Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officers ng Rizal Nation...
13/02/2026

Isang malaking pagbati sa ating mga bagong halal na Supreme Secondary Learner Government (SSLG) Officers ng Rizal National High School!

Ang inyong pagkapanalo ay hindi lamang isang titulo, kundi isang hamon at responsibilidad na paglingkuran ang bawat Rizalian nang may katapatan, husay, at malasakit. Kayo ang magsisilbing boses ng mga mag-aaral at ang katuwang ng ating paaralan sa pag-abot ng mas matatayog na pangarap.

📌 Ano ang maaasahan natin sa bagong set ng officers?
Aksyon na may Malasakit: Pakikinig sa boses ng bawat mag-aaral.
Inobasyon para sa Paaralan: Mga proyektong makabago at makabuluhan.
Pagkakaisa: Pagbubuklod ng bawat baitang para sa mas masayang RNHS.

Kayo ang bagong simula ng pag-unlad. Sa inyong mga kamay nakasalalay ang pagpapatuloy ng magandang tradisyon ng serbisyo-publiko sa ating paaralan. Handa na kaming makita ang inyong dedikasyon at ang pagbabagong ididulot ninyo sa ating mahal na institusyon!

Tayo na’t magkaisa para sa mas matatag, mas progresibo, at mas nagkakaisang paaralan!

Feb-Ibig na naman, at habang ang iba ay busy sa pag-aayos ng date, tayo naman ay busy sa pag-aayos ng requirements.  Huw...
11/02/2026

Feb-Ibig na naman, at habang ang iba ay busy sa pag-aayos ng date, tayo naman ay busy sa pag-aayos ng requirements. Huwag kayong mag-alala kung wala kayong ka-date, dahil hindi kayo nag-iisa—nandito ang buong tropa/blockmates!

Huwag na nating pahirapan ang sarili natin sa pagpili ng kulay ng damit na isusuot sa campus. Red for 'taken'? Pink for 'crushing'? Masyadong distracting sa pag-aaral!

Kaya ang usapan: All White tayo! 🤍 Bukod sa mukhang inosente tayo sa lahat ng academic stress, para na rin tayong mga 'angels' na naghihintay ng himala sa grades. 😇
Damay-damay na ’to! Walang iwanan sa Feb 14. Mas mabuti pang mapuyat sa group project kaysa mapuyat sa pag-iisip sa taong hindi naman tayo gusto. Kita-kits sa school na naka-puti! Pure intentions, pure study habits lang tayo ngayong taon!

Matagumpay na naisagawa ngayong hapon ang halalan para sa mga bagong SSLG Officers. Nakatutuwa ang ipinamalas na sigasig...
11/02/2026

Matagumpay na naisagawa ngayong hapon ang halalan para sa mga bagong SSLG Officers. Nakatutuwa ang ipinamalas na sigasig at disiplina ng bawat isa—tunay na naging mahigpit ngunit maayos ang laban ng ating mga kandidato.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pakikilahok, mga Rizalians!

Stay tuned! Bukas na natin malalaman kung sino-sino ang magsisilbi bilang inyong mga bagong lider.

Tapos na ang pagpapakilala, oras na para sa pagpapasya. 🙌 Matapos ang masiglang kampanya ng ABANTE at WINX Party-list, i...
10/02/2026

Tapos na ang pagpapakilala, oras na para sa pagpapasya. 🙌 Matapos ang masiglang kampanya ng ABANTE at WINX Party-list, iisang mithiin lang ang nangingibabaw: ang ikabubuti ng ating institusyon.
Bukas ng tanghali, ang inyong ballpen ang magsusulat ng kasaysayan.

Sino ang karapat-dapat na mag uwi ng korona?

Rizalians, kailangan namin ang inyong kooperasyon para sa isang maayos at tapat na halalan. Gamitin ang boses, gamitin ang talino. Vote wisely para sa kaunlaran ng ating paaralan!

GOOD LUCK LEADERS!🤝

09/02/2026

PAALALA:

Sa mga gustong mag bigay ng mensahe sa ating SPILL THE LOVE maari po bang gumamit tayo ng mas pormal na mga salita. Maraming salamat po!

May gusto ka bang sabihing ‘thank you’? May crush ka bang hindi mo pa masabi? O may mensahe kang gustong ipadama nang ta...
08/02/2026

May gusto ka bang sabihing ‘thank you’? May crush ka bang hindi mo pa masabi? O may mensahe kang gustong ipadama nang tahimik? Huwag mo nang kimkimin—i-spill mo na ang love! Sa bawat mensaheng iiwan mo, may pusong mapapangiti at may damdaming mapapalaya. Gawin nating mas makulay at mas mapagmahal ang Valentine’s ngayong taon.” 💞

https://ngl.link/spillthelove

06/02/2026
The time has come to choose the leaders who will serve with integrity, commitment, and heart.On February 11, 2026, two t...
04/02/2026

The time has come to choose the leaders who will serve with integrity, commitment, and heart.
On February 11, 2026, two teams stand ready to serve with dedication and integrity Team WINX and ABANTE Partylist. let us exercise our right to vote and shape a student government that truly represents our voices.

-Your vote matters
-Your voice matters
-Your future begins here.

Address

Rizal
Gubat

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RNHS-Supreme Secondary Learner Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share