SK President Onyok Santos Cerdon

SK President Onyok Santos Cerdon OSC

23/10/2025

Ngayong linggo po, muli nating binuksan ang ating tanggapan para sa People’s Day para makausap mismo ang ating mga kababayan, marinig ang kanilang saloobin, at makibahagi sa kanilang mga pangarap para sa ating bayan.

Naniniwala po tayo na ang isang mahusay na pamahalaan ay ‘yung tunay na nakikinig, kumikilos, at nakikipag-ugnayan sa tao. Sa bawat kwento at pakikipag-usap, mas lumilinaw kung paano natin mas mapaglilingkuran ang ating komunidad.

13/10/2025
23/08/2025

Kaugnay pa rin ng masiglang pagdiriwang ng Buwan ng Kabataan, ihahandog natin ang VMJJS Youth Leaders Forum: Collab for Change!

Isang espasyong puno ng ideya, inspirasyon, at pagkakaisa ng kabataan, para sa mas maliwanag na kinabukasan.

Abangan!

19/08/2025

Guiguinto, handa na ba kayong kumonek?

Isang makabagong yugto ng serbisyo publiko ang hatid namin sa inyo! Sa tulong ng Municipal Government of Guiguinto at ConLines Network and Data Solution, narito na ang LINKod Guiguinto – Free WiFi for All!

Simula Agosto 24, 9:00 AM sa Rocka 3 Basketball Court, sabay-sabay po tayong magbubukas ng pinto tungo sa mas mabilis na koneksyon para sa pag-aaral, kabuhayan, at pakikipag-ugnayan.

Ito po ay alay para sa bawat Guiguintenyo, dahil mula noon hanggang ngayon, iisa po ang ating layunin: ang maglingkod nang tapat, makabagong, at may malasakit.

Kaya tara na po, Guiguinto, kokonek na tayo!

09/08/2025

Natapos na po natin ang Newly Elected Officials (NEO) Orientation Course na inorganisa ng DILG Region 3, at ako po ay buong pusong nagpapasalamat na nakasama rito sina Mayor Boy Cruz at ang buong Sangguniang Bayan. Isa po itong mahalagang hakbang para higit naming mapaglingkuran ang bawat pamilyang Guiguintenyo nang may talino, tapang, at malasakit.

Sa bawat kaalaman mula sa DILG, mas tumibay po ang aming panata na gawing mas episyente, makatao, at makabago ang pamahalaan sa ating bayan.

07/08/2025

Isang panibagong kabanata ng paglilingkod ang ating isinulat! Dumalo po tayo, kasama si Mayor Boy Cruz at ang buong Sangguniang Bayan ng Guiguinto, sa Newly Elected Officials (NEO) Orientation Course na inorganisa ng DILG Region 3. Isa po itong mahalagang pagkakataon para higit pa nating mapagtibay ang ating kaalaman, pananaw, at pangako sa mas makabuluhang serbisyo para sa ating bayan.

Hindi po tayo titigil matuto, makinig, at maglingkod dahil ang tunay na lingkod-bayan ay hindi napapagod magmahal sa kaalaman.

01/08/2025

Isang makulay at masustansyang araw po! Nakasama po natin kahapon ang mga mag-aaral ng Child Development Center sa Brgy. Tabang bilang pagdiriwang ng Nutrition Month. Napakahalaga pong simulan ang tamang nutrisyon habang bata pa upang lumaking malusog, matalino, at may malasakit sa kapwa.

Patuloy po tayong magsusulong ng mga programang tutugon sa kalusugan at kapakanan ng ating mga kabataan. Dahil sila po ang pag-asa ng bayan, at nararapat lamang silang alagaan mula ulo hanggang paa.

19/07/2025

Mga kababayan, mahalagang maging handa po tayo sa kahit anong sitwasyon. Kaya naman hinihiling po namin: i-save na po natin ang mga emergency hotlines ng ating bayan sa inyong mga telepono.

Layunin po natin na ang bawat Guiguintenyo ay alam kung saan tatawag sa oras ng pangangailangan, para sa mabilis at maayos na pagtugon ng ating lokal na pamahalaan.

Sama-sama po tayong mag-ingat at magmalasakit para sa kapakanan ng ating komunidad!

19/05/2025

Isang mainit at buong pusong pagpupugay sa ating mga bagong halal na lingkod-bayan! Sa bawat tiwala, dala ang pag-asang makapaglingkod nang may malasakit at integridad.

Ngayon, simula na ng bagong kabanata ng paglilingkod—mas makabuluhan, mas matapat, at mas makabayan. Asahan ninyo ang aming suporta—mula noon hanggang ngayon.

Address

Mercado Street
Guiguinto
3015

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK President Onyok Santos Cerdon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share