SK DOMS

SK DOMS OFFICIAL @ SANGGUNIANG KABATAAN - MEMBER
Malis, Guiguinto, Bulacan
2018 – Present

SA ALAGA NI KONSI, HINDI KA MAGSISISI 🫶Pormal ng sinimulan ng ating mga konsi ang kanilang adhikain sa mga kabataang nap...
23/07/2022

SA ALAGA NI KONSI, HINDI KA MAGSISISI 🫶

Pormal ng sinimulan ng ating mga konsi ang kanilang adhikain sa mga kabataang napili sa programang ALAGA NI KONSI.

Kanina, sa ating covered court, ay binuksan ang nasabing programa. Kung saan ang bawat kasapi ng Sangguniang Barangay katuwang ang Sangguninang Kabataan ay nagkaroon ng tig-dadalawang bata na pawang mga under weight children na kanilang aalagaan.

Ang ALAGA NI KONSI ay programang kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-48 Buwan ng Nutrisyon at ito ay magpapatuloy at ipagpapatuloy ng ating mga minamahal na Konsi.

Manatiling nakatutok sa page ng Sangguniang Kabataan at Barangay, para laging una sa ibat-ibang gawait at kaganapan.



Sabayang Paglilinis, umarangkada na kaninang umaga. Sanib puwersa ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni PB Igg. Dios...
23/07/2022

Sabayang Paglilinis, umarangkada na kaninang umaga.

Sanib puwersa ang Sangguniang Barangay sa pangunguna ni PB Igg. Diosdado R. Camua at Sangguniang Kabataan sa pangunguna ni SKC Ranilo B. Manahan kasama at katuwang ang LGBT Malis, mga 4 P’s Member at ang ating mga Barangay at Community Volunteers sa pagsasagawa ng SABAYANG PAGLILINIS kaninang umaga sa ibat-ibang panig ng ating barangay.

Isinagawa ito kasabay ng ating pagdiriwang sa ika-48 na Buwan ng Nutrisyon.

Muli, ang SABAYANG PAGLILINIS ay naglalayong mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran kapalit ng magandang kalusugan para sa ating mga mamamayan.

Manatiling nakatutok sa page ng Sangguniang Kabataan at Barangay ng Malis, para laging una sa ibat-ibang gawain at kaganapan.



SEXY NA, HEALTHY PA!New Normal na Nutrisyon, Sama-samang gawan ng Solusyon. Kaya tara na, at makiisa sa ZUMBA MALISENYO!...
22/07/2022

SEXY NA, HEALTHY PA!

New Normal na Nutrisyon, Sama-samang gawan ng Solusyon. Kaya tara na, at makiisa sa ZUMBA MALISENYO! Ihanda na ang inyong mga pangkabugang zumba outfit at hataw na pangmalakasan at sabay-sabay na umindak sa saliw ng mga tugtuging pak na pak para sa inyo.

Galingan mo na rin sa pag hataw, para isa ka sa mapili sa ating mga special awards.

Ang ZUMBA MALISENYO ay gaganapin sa Linggo, Hunyo 24, 2022 - 4 NH sa ating Barangay Malis Covered Court.

See you!



SEXY NA, HEALTHY PA!

New Normal na Nutrisyon, Sama-samang gawan ng Solusyon. Kaya tara na, at makiisa sa ZUMBA MALISENYO! Ihanda na ang inyong mga pangkabugang zumba outfit at hataw na pangmalakasan at sabay-sabay na umindak sa saliw ng mga tugtuging pak na pak para sa inyo.

Galingan mo na rin sa pag hataw, para isa ka sa mapili sa ating mga special awards.

Ang ZUMBA MALISENYO ay gaganapin sa Linggo, Hulyo 24, 2022 - 4 NH sa ating Barangay Malis Covered Court.

See you!



BUNSO, MISS MO NA BA?Heto na, magbabalik na ang ALAGA NI KONSI. Kaugnay parin ng pagdiriwang ng Ika-48 Buwan ng Nutrisyo...
22/07/2022

BUNSO, MISS MO NA BA?

Heto na, magbabalik na ang ALAGA NI KONSI.

Kaugnay parin ng pagdiriwang ng Ika-48 Buwan ng Nutrisyon ang muling pagbabalik ng programang Alaga ni Konsi. Dito ipamamalas ng ating mga Konsi ang pagiging huwarang pangalawang magulang sa mga batang kulang sa nutrisyon. Katuwang ang ating mga masisipag na Lingkod Lingap sa Nayon (LLN), Barangay Health Worker (BHW) at mga Mother Leaders(ML) pipili tayo ng mga batang pinaka nangangailangan ng atensyong pangkalusugan tulad ng mga Malnourished Children.

Para sa mga mapipili, ang programa ay bubuksan at gaganapin bukas, Sabado, Hulyo 23, 2022 - 2 NH sa ating Barangay Malis Covered Court.



Malis, tara na! Sa SABAYANG PAGLILINIS Larawan ng malinis na kapaligiran ang magandang kalusugan. Kaugnay nito, bilang p...
22/07/2022

Malis, tara na! Sa SABAYANG PAGLILINIS

Larawan ng malinis na kapaligiran ang magandang kalusugan. Kaugnay nito, bilang pagdiriwang sa ika-48 na Buwan ng Nutrisyon inaanyayahan po ang bawat kabataan at mamamayang Maliseño na makiisa sa gaganaping SABAYANG PAGLILINIS sa ating sinisintang barangay sa pamamagitan ng paglilinis ng inyong mga bakuran at kapaligiran. Ito ay gaganapin bukas, SABADO, HULYO 23, 2022 - 7 NU.

Ihanda na ang inyong mga kakailanganing kagamitan at sabay-sabay tayong mag linis ng ating kapaligiran para sa magandang kalusugan.



Salamat, Sangguniang Kabataan ng Malis 💞
21/07/2022

Salamat, Sangguniang Kabataan ng Malis 💞

Buong pagmamalaking kinikilala ng Sangguniang Kabataan ng Malis ang aming kasama sa paninilbihang si Igg. Dominic B. Delos Santos sa kanyang pagtatapos sa kursong Bachelor of Technical-Vocational Teacher Education Major in Food Service Management sa Bulacan Polytechnic College.

Malugod na pagbati sa yugtong napagtagumpayan sa iyong buhay. Kaisa mo kami sa iyong patuloy na paglalakbay tungo sa pagiging g**o ng bayan!

Padayon, SK Doms! 🎓

Eid al-Adha Mubarak! 🕌Mataimtim na bumabati ang Sangguniang Kabataan ng Malis sa ating mga kapatid na Muslim ngayong Eid...
09/07/2022

Eid al-Adha Mubarak! 🕌

Mataimtim na bumabati ang Sangguniang Kabataan ng Malis sa ating mga kapatid na Muslim ngayong Eid'l Adha o Feast of Sacrifice.

Sa kabila ng pagkakaiba sa paniniwala, itaguyod natin ang pagkakaisa.

LABAN KABATAAN! | Buong pagmamalaking ipinapakilala ng Sangguniang Kabataan ng Malis ang tao sa likod ng Safe Space Semi...
20/06/2022

LABAN KABATAAN! | Buong pagmamalaking ipinapakilala ng Sangguniang Kabataan ng Malis ang tao sa likod ng Safe Space Seminar ngayong taon, Kasangguni B**g Estrella.

Bilang Chairperson ng Committee on Gender and Development, pinangunahan ni Sir B**g ang pagsasagawa ng nasabing gender-related seminar, kaalinsabay ng pagdiriwang ng Pride Month ngayong taon.

Pagbati mula sa konseho para sa isang matagumpay na pamumuno. Para sa kabataan, laban!



MUNDO MA’Y BALIKTARIN, BABALIK-BALIK PA RIN | Sa kabila ng kanyang napipintong pag-akyat sa Sangguniang Panlalawigan bil...
20/06/2022

MUNDO MA’Y BALIKTARIN, BABALIK-BALIK PA RIN | Sa kabila ng kanyang napipintong pag-akyat sa Sangguniang Panlalawigan bilang kauna-unahang Board Member ng Distrito 5, naglaan ng oras para sa isang mahalagang gampanin sa Safe Space Seminar si Kap Cezar "Teta" Mendoza upang balikan ang kanyang nakasanayang gawi sa loob ng maraming taon — ang pagtuturo.

Ibinahagi ni Kap Teta ang importansya ng pamumuno sa pagkakaroon ng matibay na samahan. Kaugnay nito, nagkaroon ng pagsasanay ang mga kalahok ukol sa nasabing paksa. Gayundin ay nagbigay siya ng gawaing may kinalaman sa kahalagahan ng pakikinig at pagsunod.

Sa nalalabing araw ng kanyang pamumuno bilang Punong Barangay, hindi niya ipinagkait ang pagbabahagi ng kaalaman para sa kabataang Maliseño. Lagi’t lagi, tayo ang kanyang tahanan.



Address

Barangay Malis
Guiguinto
3015

Telephone

+639308294004

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK DOMS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SK DOMS:

Share