29/04/2026
ROAD ELEVATION WITH DRAINAGE CANAL
๐Lopez Street, Brgy. Panginay, Guiguinto
Mensahe ng taos pusong pasasalamat para sa Pamahalaang Bayan ng Guiguinto, sa Pangunguna ni Mayor Ambrosio C. Cruz, Jr. at dating Mayora na kasalukuyang Congresswoman ng ikalawang distrito, Atty. Agay Cruz para sa ipinagkaloob na proyektong pagtataas ng daan sa Lopez Street, Brgy. Panginay, Guiguinto, Bulacan.
Ang proyektong road elevation with drainage canal ay matagal nang mithiin ng pamunuan ng Barangay Panginay, Guiguinto. Ito po ay isa sa mga pamamaraan upang matugunan ang matinding suliranin ng hightide at pagbaha sa ating lugar. Ang road elevation sa Lopez Street ay isa lamang sa tatlong proyektong ipinagkaloob, kasama ng pagtataas ng daan sa Enriquez street at NIA Road na nakumpleto noong mga nakalipas na buwan.
Nagpapasalamat din po ang pamunuan at aming mga kabarangay kay Engr. Arcadio Sulit mula sa Municipal Engineering Office at kay Municipal Administrator Elmer Alcanar para sa aspetong teknikal at pinansyal.
Ang proyektong pagtataas ng mga daan sa Lopez Street, Enriquez Street, at NIA Road ay hindi ganap na solusyon sa suliranin ng pagbaha subalit magbibigay daan upang kahit paano ay maibsan ang epekto ng suliranin sa bawat kabarangay. Ito po ay karagdagang proyekto kasunod ng katatapos lamang na paglalagay ng pilapil sa maliit na ilog ng Panginay upang mabawasan ang epekto ng hightide.
Makakaasa po kayo na hindi pa ito ang huli at sisikapin pong mas lalong matugunan ang suliranin ng pagbaha sa ating barangay.
Ang proyektong road elevation ay naisakatuparan sa pagsusumikap at ngayon ay nagpapasalamat, KAP. MARVIN S. AZORES, kasama ang buong Sanggunian at aming mga kabarangay.
God bless po. ๐