26/11/2025
PABATID
Nais pong ipabatid ng pamunuan ng NIA Upper Pampanga River Integrated Irrigation Systems (NIA UPRIIS) na ang iskedyul ng patubig sa Division V at Interim Division VI sa December 1, 2025 ay magkakaroon ng pansamantalang pagkaantala sa daloy ng patubig. Ito ay upang bigyang daan ang repair works ng exposed siphon barrel sa Talavera River bunsod ng quarrying activities sa nasabing lugar.
Ang naturang konstruksyon ay ilang ulit na naantala dahil sa sunud-sunod na bagyo sa Lalawigan ng Nueva Ecija, tulad ng Nando, Mirasol, at Uwan.
Ang daloy ng patubig sa Division V at Interim Division VI ay inaasahang maibabalik sa March 1, 2026 o mas maaga sa petsang ito. Kung hindi natin bibigyang daan ang repair works at ang pansamantalang pagtigil sa patubig, ang tatlong buwang konstruksyon ay maaaring humaba ng tatlong taon.
Hinihikayat po namin ang matalinong paggamit ng mga solar-powered pump irrigation project (SPIP) at mga pump sa mga nabanggit na dibisyon. Hinihiling po namin ang inyong lubos na pang-unawa.
Maraming salamat po.
sa