29/05/2026
๐๐น๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฒ ๐๐ฒ๐ฟ๐ผ๐๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ฒ & ๐ง๐ฒ๐ฐ๐ต๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ ๐๐ป๐ฐ. (๐๐๐ง๐ฆ๐) ๐๐๐บ๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐ฅ๐ฒ๐๐ผ๐น๐๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐๐ถ๐บ๐ฏ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ก๐ผ ๐ข๐ฏ๐ท๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐๐๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐๐ฏ ๐ฎ๐ ๐ฅ๐๐ป๐๐ฎ๐
GUIMBA, Nueva Ecija โ Humiling ng pag-apruba ng isang resolusyon ng โNo Objectionโ ang Clarke Aerospace and Technical Services Inc. sa Sangguniang Bayan (SB) ng Guimba kaugnay ng kanilang planong pagtatayo ng aviation hub at tatlong kilometrong runway sa bayan.
Dumalo ang mga kinatawan ng kumpanya sa regular na sesyon ng SB noong Mayo 25, 2026 upang iharap ang kanilang panukalang proyekto na kinabibilangan ng maintenance, repair, and overhaul (MRO) facility, aviation academy na may flying school, cargo at logistics hub, specialized shops, at assembly plant.
Ayon sa kumpanya, kinakailangan ang resolusyon upang makausad ang kanilang proseso sa pagbili ng lupain at matugunan ang mga requirement na hinihingi ng kanilang international funder bilang bahagi ng pagsasakatuparan ng proyekto.
Isa ang nasabing kahilingan sa mga urgent measure na tinalakay ng konseho. Ayon sa CATSI, inaasahang makapagbibigay ang proyekto ng libo-libong trabaho at magdadala ng karagdagang pag-unlad sa ekonomiya at agrotourism ng bayan.
Gayunman, iginiit ni Konsehal Lumang na dapat mapangalagaan ang kapakanan ng mga residente ng Guimba sakaling matuloy ang proyekto. Aniya, umiiral ang isang lokal na polisiya na nagsasaad na 75% ng mga manggagawang tatanggapin ng isang kumpanya ay dapat mga residente ng bayan.
Sinang-ayunan naman ito ni Konsehal Natividad at binigyang-diin na kung tinatayang aabot sa 30,000 trabaho ang maiaalok ng proyekto, malaking bahagi nito ay dapat mapunta sa mga taga-Guimba o mabigyan man lamang sila ng prayoridad sa hiring process.
Pinunto rin ni Natividad na kailangan pang dumaan ng kumpanya sa ibaโt ibang permit at pagsusuri, partikular kung maaapektuhan ng proyekto ang mga irrigated area at lupang agrikultural. Ayon sa kanya, mahalagang mapanatili ang balanse sa pagitan ng kaunlaran at pangangalaga sa agrikultura dahil pangunahing ikinabubuhay ng mga residente ang pagsasaka at kilala ang bayan bilang bahagi ng rice granary ng bansa.
Samantala, sinabi ni Konsehal Garcia na kailangan pa nilang kumpirmahin sa Assessors Office at Engineering Department kung ilang porsyento na ng agricultural land sa bayan ang na-reclassify, dahil ayon umano sa batas na tinutukoy sa Section 20 ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, na tumatalakay sa Reclassification of Agricultural Lands, ay may hanggang 10% limitasyon lamang para sa first class municipality. Tinatayang nasa 200 ektarya ang planong ipa-reclassify para sa proyekto.
Nagpahayag naman ng kahandaang makipagtulungan ang CATSI hinggil sa usapin sa lupain. Ayon sa kumpanya, kung magkakaroon ng aberya sa kasalukuyang target na lokasyon ay bukas silang humanap ng alternatibong lugar na maaaring irekomenda ng SB.
Matapos ang pansamantalang pagbibinbin sa usapin, isang recess or confidential meeting kasama ang mga kinatawan ng kumpanya, at pagkatapos nito ay saka muling ipinagpatuloy ng SB ang sesyon at kalaunang napagkaisahan ng mga dumalong miyembro na aprubahan ang hinihinging resolusyon ng โNo Objection.โ
Ayon kay Vice Mayor Dizon, simula pa lamang ito ng mas marami pang prosesong pagdadaanan ng proyekto, kabilang ang pagkuha ng mga kaukulang permits, land conversion, at iba pang legal na requirements bago ito tuluyang maisakatuparan. | via Jimuel Palma/Radyo Natin Guimba - Balita