29/08/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐!
Sa oras na bumuhos ang malakas na ulan at manalasa ang bagyo, habang ang karamihan ay Naghahanap ng masisilungan, may mga taong pinipiling manatili sa labas upang magbantay, rumesponde, at maglingkod.
Sa pangunguna ng ating Masipag na Punong Barangay Kap Ed Valdez kasama ang mga Masisipag at nakasuportang mga Kagawad, mga Barangay Tanod, at iba pang itinalagang mga opisyales ng barangay, patuloy nilang ipinakikita na ang tunay na serbisyo ay walang pinipiling panahon, oras, o kalagayan.
Kapag may panganib, naroon sila. Kapag may nangangailangan, umaalalay sila.
Hindi nila hinihintay ang magandang panahon upang maglingkodโsa halip, sila ang nagiging sandigan ng komunidad sa panahon ng unos.
Isang taos-pusong saludo sa lahat ng ating mga HALAL at ITINALAGANG mga opisyales ng Barangay Faigal na walang sawang naglilingkod nang may sipag, tapang, at malasakit. ๐ต๐ญ๐ซก
Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa ginhawa ng panahon, kundi sa katatagang manatiling naglilingkod kahit humaharap sa unos.