06/03/2026
๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐จ๐๐๐ก๐๐ฌ, ๐ค๐จ๐๐ญ๐ข๐ก
Mulanay, Quezon - Matagumpay na isinagawa ang Validation ng mga Certificate of Land Ownership Award (CLOA) kaugnay ng pag-iisyu ng Certificate of Condonation sa Brgy. Cambuga at Brgy. Bagupaye.
Sa pangunguna ni MARPO Amado A. Pineda Jr. ng Municipal Agrarian Reform Office (MARO) Mulanay, layunin ng validation na ito ang masusing pagsisiyasat ng detalye ng mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), impormasyon ng lupa, at pagsunod sa mga umiiral na alituntunin at patakaran ng Department of Agrarian Reform (DAR), upang matiyak ang maayos at tama na pag-iisyu ng Certificate of Condonation.
Nakiisa rin si ARPO I Grace De Borja mula sa Project Beneficiaries Development (PBD) Division upang hikayatin ang mga ARBs na magpalakas at bumuo ng mga organisasyon bilang paghahanda sa mga susunod na programa at proyektong ipatutupad ng DAR.
Patuloy ang DAR sa pagpapatibay ng mga serbisyong naglalayong mapangalagaan ang karapatan ng mga benepisyaryo at maisulong ang kanilang pangmatagalang kaunlaran.