MSWD Gumaca

MSWD is the social welfare arm of the Municipal Government mandated by Local Government Code of 1991 to address poverty-related concerns and committed to the care, protection and rehabilitation of individuals, family, and community.

03/09/2026
💜EMPOWERING VAWC HELP DESK OFFICERS 💜Isang makabuluhang dalawang araw ng pagkatuto, pakikipagtulungan, at pagpapalakas n...
03/09/2026

💜EMPOWERING VAWC HELP DESK OFFICERS 💜

Isang makabuluhang dalawang araw ng pagkatuto, pakikipagtulungan, at pagpapalakas ng kakayahan para sa ating mga VAWC Help Desk Officers! 🤝✨

Matagumpay na naisagawa ang Empowering VAWC Help Desk Officers: Basic Interviewing and Immediate Response to VAWC, CICL and Human Trafficking sa Bayan ng Gumaca, Quezon.

Taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Gumaca, Quezon sa patuloy na suporta at pangako nitong palakasin ang mga mekanismo para sa proteksyon ng kababaihan at mga bata. 💜

Maraming salamat din sa lahat ng VAWC Help Desk Officers, resource persons mula sa DSWD Region 4A at partner agencies na aktibong nakibahagi sa pagsasanay. Ang inyong kaalaman, malasakit, at kahandaan ay mahalagang bahagi ng mabilis, maayos at makataong pagtugon sa mga kaso ng VAWC, CICL at Human Trafficking.

Mas may kaalaman. Mas handa. Mas matatag. Para sa ligtas at protektadong komunidad! 💖✨







12/08/2026

On your special day, we, your MSWDO Family, would like to wish you happiness, good health, success, and countless blessings. Thank you for being a wonderful leader, a supportive colleague, and someone we can always look up to. Your dedication, kindness, and guidance inspire us to do our best every day.

May this new chapter of your life bring you more achievements, meaningful moments, and reasons to smile. You deserve all the good things life has to offer.

Enjoy your special day, Sir Ian! Know that you are truly appreciated and valued by all of us. Happy Birthday, and God bless you always! 🙏💙🎉

With love and warmest wishes,
Your MSWDO Family 💙

10/08/2026

🎉 Happy Birthday, Ma'am Aida!🎂💐

Wishing you a day filled with happiness, love, and beautiful moments. Thank you for your dedication and for being part of our MSWDO family. ❤️

May God bless you with good health, more happiness, and many more birthdays to come. Enjoy your special day! 🥳🎈

07/08/2026

Happy Birthday, Sir Kent!

On your special day, everyone at the Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) would like to greet you a very happy birthday!

Your kindness, approachable nature, and genuine concern for others have made a positive difference to everyone who has had the privilege of working with you.

May this new year of your life be filled with good health, endless happiness, and countless blessings. May all your hard work and dedication continue to inspire those around you, and may you be rewarded with success and fulfillment in everything you do.

Wishing you a wonderful celebration surrounded by the people who matter most. Happy Birthday, Sir Kent! God bless you always!

With warmest greetings,
Your MSWDO Family

29/07/2026

July 29, 2026

Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang Capacity Building and Psychosocial Support Activity for Solo Parent Leaders na may temang, "Serbisyong May Puso: Building Compassionate and United Solo Parent Leaders."

Dinaluhan ito ng mga Pangulo ng Solo Parent Federation mula sa iba't ibang barangay ng Bayan ng Gumaca.

Nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at nagsagawa ng iba't ibang learning activities ang resource speaker na si Mr. Hamilton A. Villapando, LPT, DAO I, upang higit na mapalakas ang kakayahan sa pamumuno, pagkakaisa, at psychosocial well-being ng mga kalahok.

Nagtapos ang programa sa Covenant Sharing and Prayer at pagkakaloob ng mga sertipiko bilang pagkilala sa kanilang aktibong pakikilahok.

Taos-pusong pasasalamat sa Pamahalaang Bayan ng Gumaca sa patuloy na suporta sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan, pagpapalakas, at pagkakaisa ng sektor ng mga solo parent.

July 24, 2026Isinagawa ngayong araw ang General Parents Committee (GPC) Meeting.Dinaluhan ito ng mga bagong halal na Pan...
24/07/2026

July 24, 2026

Isinagawa ngayong araw ang General Parents Committee (GPC) Meeting.
Dinaluhan ito ng mga bagong halal na Pangulo o kinatawan ng bawat Child Development Center (CDC) at ng mga Child Development Workers (CDWs) mula sa iba’t ibang barangay ng ating bayan.

Kabilang sa mga mahahalagang gawain ng pagpupulong ang Orientation on Early Childhood Care and Development (ECCD), Orientation on the Supplementary Feeding Program, Orientation on the Milk Feeding Program, gayundin ang pagtalakay sa mga paghahanda para sa gaganaping Induction Ceremony 2026.

Isinagawa rin ang halalan ng mga bagong opisyal ng General Parents Committee (GPC).

👏 Congratulations sa mga bagong halal na GPC Officers!

President: Dirk Ojeda
Vice President: Win Gamos
Secretary: Naira Arcaya
Assistant Secretary: April Sildora
Treasurer: Janine Abella
Assistant Treasurer: Clarissa Uriarte
Auditor: Crystal Jane Entienza
Public Information Officer I: Germy Rodolfo
Public Information Officer II: Rizza Castillo

Sa pamamagitan ng sama-samang pakikilahok at pagtutulungan ng mga magulang, Child Development Workers, at iba pang katuwang sa ECCD Program, patuloy na isusulong ang mga programa at gawain na naglalayong mapabuti ang kalusugan, nutrisyon, pagkatuto, at pangkalahatang kapakanan ng bawat batang Gumaqueño.

🌟 25 Day Care Workers ng Gumaca, Matagumpay na Nagtapos at Nakapasa sa ECCDS - National Certificate  III 🎓Isang mahalaga...
22/07/2026

🌟 25 Day Care Workers ng Gumaca, Matagumpay na Nagtapos at Nakapasa sa ECCDS - National Certificate III 🎓

Isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng kalidad ng Early Childhood Care and Development (ECCD) services sa Bayan ng Gumaca ang matagumpay na pagtatapos at pagpasa ng 25 Day Care Workers sa Early Childhood Care and Development Services National Certificate III (ECCDS - NC III).

Ngayong Hulyo 22, 2026, isinagawa ng MSWDO Gumaca, sa pakikipagtulungan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ng Pamahalaang Lokal ng Gumaca, ang Culminating Activity para sa ECCDS NC III.

Lahat ng 25 kalahok na sumailalim sa 28 days competency training at 4 days assessment, ay matagumpay na nagtapos at nakapasa sa NC III. Ang kanilang tagumpay ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon sa patuloy na pagpapahusay ng kaalaman, kasanayan, at propesyonal na kakayahan upang makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo para sa mga batang nasa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program.

Ang ECCDS National Certificate III (NC III) ay isang pambansang sertipikasyong ipinagkakaloob ng TESDA sa mga indibidwal na napatunayang may kakayahan at kahandaan sa paghahatid ng pamantayang serbisyo para sa maagang pangangalaga at pag-unlad ng mga bata. Ang pagkamit ng sertipikasyong ito ay nagpapakita ng kanilang pagsunod sa mga itinakdang competency standards at ng kanilang patuloy na pangako sa pagbibigay ng ligtas, angkop, at de-kalidad na serbisyo sa mga batang Gumaqueño.

Bilang bahagi ng programa, nagkaroon ng pagbibigay ng mensahe mula sa Punong Bayan, Sangguniang Bayan, at ng partner training institution. Sa kanilang mga pahayag, binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagpapahusay ng kaalaman at kasanayan ng mga Day Care Workers upang higit pang mapalakas ang paghahatid ng de-kalidad na Early Childhood Care and Development services para sa bawat batang Gumaqueño.

Binabati ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) Gumaca ang ating 25 Day Care Workers sa kanilang natamong tagumpay. Nawa'y patuloy nilang maisabuhay ang kanilang propesyon nang may integridad, kahusayan, at malasakit sa paglilingkod sa bawat bata, pamilya, at komunidad.

📷GPIO Gumaca

20/07/2026

🌞 Magandang Araw po!

Ang pagkuha ng Birthday Cash Gift para sa ating mga Senior Citizens na may kaarawan mula April hanggang June ay maaari pa ring makuha hanggang July 30, 2026.

🕗 Oras ng pag‑claim: 8:00 AM – 5:00 PM
📍 Lugar: Municipal Treasurer’s Office (MTO)

👉 Mangyaring dalhin ang kinakailangang requirements upang maging maayos at mabilis ang proseso ng pag‑claim.

✅ Para sa Senior Citizen na personal na kukuha:
1. Dalawang (2) kopya ng Senior Citizen Xerox ID
2. Tatlong (3) Original Signature o Thumbmark (para sa mga hindi na nakakapirma)

✅ Para sa Authorized Representative:
1. Dalawang (2) kopya ng Authorization Letter (handwritten o mula sa tanggapan ng Senior Citizen)
2. Dalawang (2) Xerox copies ng ID ng Senior Citizen
3. Dalawang (2) Xerox copies ng ID ng Authorized Person

✅ Para sa mga Senior Citizen na pumanaw (April–June birthdays)
1. Dalawang (2) kopya ng Warranty and Release from Liability
2. Dalawang (2) Xerox copies ng Death Certificate
3. Dalawang (2) Xerox copies ng ID ng Senior Citizen (kahit wala nang pirma)
4. Dalawang (2) Xerox copies ng ID ng Claimant na may tatlong (3) signature

😊 Maraming Salamat po!

18/07/2026

Happy Birthday, Ma'am Jovy 🎉🎂

Wishing you a wonderful birthday filled with happiness, good health, and countless blessings. May this new year of your life bring you success, joy, and beautiful moments to cherish. Thank you for your dedication and hard work. Enjoy your special day!

Warmest birthday wishes from your MSWDO Family.

Address

J. P Rizal Brgy. Pipisik Pob
Gumaca
4307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MSWD Gumaca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to MSWD Gumaca:

Shortcuts

Share

Category