13/08/2026
Paggunita sa Conmemoracion del Trese de Agosto
Ngayong umaga po ay nakiisa at dumalo tayo sa paggunita ng Conmemoracion del Trese de Agosto, ang Araw ng Kalayaan ng Lalawigan ng Quezon, na ginanap sa Lungsod ng Tayabas.
Isang mahalagang araw po ito upang balikan at bigyang-halaga ang kasaysayan ng ating lalawigan, pati na rin ang tapang, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng mga naunang henerasyon na naging bahagi po ng ating kalayaan.
Bilang mga Gumaqueño at Quezonian, mahalaga po na patuloy nating alalahanin ang ating pinagmulan at ang mga kuwento ng ating mga ninuno. Ang kasaysayan ay hindi lamang dapat inaalala tuwing anibersaryo, ito ay dapat maging inspirasyon sa kung paano tayo patuloy na naglilingkod at nagmamalasakit sa ating kapwa at sa ating bayan.
Sa pag-alala po sa ating nakaraan, mas malinaw nating naitatayo ang kinabukasan ng isang mas nagkakaisa, mas makabayan, at mas maunlad na Lalawigan ng Quezon.