God Bless Gumaca

Directions

God Bless Gumaca

06/10/2026

Ang Probinsyanong Doktor πŸ§‘πŸ’™



02/10/2026

πŸ§‘πŸ’™

Ang Probinsyanong Doktor πŸ§‘πŸ’™
01/10/2026

Ang Probinsyanong Doktor πŸ§‘πŸ’™



Ang Probinsyanong Doktor πŸ§‘πŸ’™
22/09/2026

Ang Probinsyanong Doktor πŸ§‘πŸ’™



Dahil sa patuloy na pagtutulungan at pagkakaisa ng Sangguniang Bayan ng Gumaca, Quezon ay ganap na pong naipasa sa ikatlo at huling pagbasa ang ating inakdang ordinansa na pinamagatang:
β€Ž
β€Ž β€œAN ORDINANCE MANDATING EYE EXAMINATIONS FOR KINDERGARTEN PUPILS IN THE MUNICIPALITY OF GUMACA, QUEZON, AND PROVIDING FUNDS THEREFOR.
β€Ž
β€ŽBilang Tagapangulo ng Lupon sa Kalusugan at bilang isang manggagamot, lubos kong ikinararangal na pangunahan ang panukalang ordinansa na naglalayong magpatupad ng libre at regular na pagsusuri sa mata ng mga mag-aaral sa Kindergarten sa ating bayan ng Gumaca.
β€Ž
β€ŽNaniniwala tayo na ang bawat bata ay may karapatang makatanggap ng de-kalidad na edukasyon at serbisyong pangkalusugan. Subalit hindi natin maikakaila na may mga batang nahihirapang matuto hindi dahil sa kakulangan ng kakayahan, kundi dahil sa mga problemang pangkalusugan na hindi agad natutuklasan, partikular na ang mga suliranin sa paningin.
β€Ž
β€ŽBilang mga magulang at lingkod-bayan, nais nating masiguro na ang ating mga anak ay may pantay na pagkakataong matuto at umunlad. Hindi natin dapat hintayin na lumala ang kanilang kondisyon bago tayo kumilos. Sa simpleng pagsusuri sa mata, maaari nating maagapan ang mga problemang maaaring makaapekto sa kanilang pag-aaral at sa kanilang kinabukasan.
β€Ž
β€ŽAng panukalang ito ay hindi lamang isang programang pangkalusugan. Isa rin itong pamumuhunan para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan nito, naipapakita natin ang ating malasakit at pagpapahalaga sa susunod na henerasyon ng mga GumaqueΓ±o.
β€Ž
β€ŽSa huli, nais kong ipaabot ang aking pasasalamat sa lahat ng sektor na patuloy na nakikipagtulungan upang maisakatuparan ang mga programang tunay na may malasakit sa mamamayan.
β€Ž
β€ŽMaraming salamat po at pagpalain tayong lahat ng ating Panginoong DiyosπŸ§‘πŸ’™.
β€Ž
β€Žππ€π’π“π€'𝐓 π’π€πŒπ€-π’π€πŒπ€, πŠπ€π˜π€ππ† πŠπ€π˜π€!
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž
β€Ž

Address

Gumaca, Quezon Province
Gumaca
4306

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when God Bless Gumaca posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share