30/04/2019
Ang ating Lokal na Pamahalaan sa pakikipagtulungan ng DTI-Negosyo Center ay nagsagawa ng isang pagsasanay para sa ating mga kababayang nagnanais magkaroon ng dagdag-kaalaman na maari ring mapagkakitaan. Hindi nga ba’t sa bawat pagbisita natin sa ibang lugar, hanap natin ay key chains o ref magnets bilang pasalubong? Tunay na napapanahon ang Souveneir Making Training na ito sapagkat ang ating bayan ay malapit na namang dayuhin ng mga taga-ibang lugar sa pagbubukas ng ating Araña’t Baluarte Festival ngayong Mayo. Bukod pa sa rito, sa patuloy na pagsasaayos at pagpapaganda ng ating Heritage Center, inaasahan na sa mga darating na panahon, ang ating bayan ay kikilalanin bilang isang tourist at heritage center ng ating bansa.
Ang gawaing ito ay isa namang kilos-pagunlad sa pamamahala ng ating mga namumuno sa pangunguna ng ating Punong Bayan Erwin Caralian, Pang. Punong Bayan Elchor Caralian, Sangguniang Bayan at ang iba’t-ibang pinuno ng bawat Tanggapan.
Sapagkat sa ating Bayan, pinagpapatuloy ang kaunlarang matagal ng nasimulan. God Bless Gumaca!