14/05/2025
Maraming salamat sa nasa itaas!🙏🏼
Maraming salamat Bayan ng Gumaca!🧡
Tita ng Bayan, Boses ng Kababaihan. Hindi po aksidente ang tagline ko na ito. At gusto ko ring simulan ang aking mensahe para ipaabot sainyo na hindi man tayo pinalad na manalo sa nakaraang halalan, hindi po doon natatapos ang ating paglilingkod. Mananatili po akong kaagapay ng mga kababaihan sa ating bayan dahil iyan po talaga ang aking gusto, wala akong ibang hangad kundi mapagaan ang pamumuhay ng kapwa ko kababaihan.
Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo. Sa lahat ng sumuporta, tumulong, sumama, nagdasal at sa mga naniwala sa ating kakayahan. Sa ating mga 4k Federation Officers na hindi nawalan ng pag asa para sa ating laban, sa mga 4k officers at members na sumama saatin paghohouse to house,sa mga nagsakripisyo din ng pawis, puyat at pagod para sa akin, hindi ko malilimutan ang laban na ito. Panalo padin tayo sa ipinakita nating dedikasyon na mailaban ang ating pangarap para sa minamahal nating Bayan.
Ang inyo pong tita ng bayan at boses ng kababaihan ay lagi lang nandyan, wag kayong mahihiyang lapitan.