30/03/2025
π’ PAALALA SA PUBLIKO: MAG-INGAT SA MGA SCAM!
Patuloy ang mga modus na tumutulad sa interface ng eGovPH app para makakuha ng unauthorized access sa inyong mga mobile wallets at online banking accounts. Huwag magpaloko!
πΉ πππππ ππππππππ πππ ππππ?
1οΈβ£ May tatawag o magme-message β Magpapakilalang personnel na makakatulong sa pagkuha ng inyong National ID.
2οΈβ£ Papadalhan ka ng private message β Sasabihin nilang mas mabilis ang proseso kung mag-uusap kayo via messaging app.
3οΈβ£ Magpapadala ng link β May ipapakitang website kung saan mo umano dapat i-download ang eGovPH app.
4οΈβ£ Mukhang totoo, pero scam! β Pekeng app ito na ginagaya lang ang interface ng eGovPH.
5οΈβ£ Hihingin ang impormasyon mo. Ipapa-fill-out sa iyo ang iyong pangalan, birthday, address, at iba pang detalye. Maaari ka rin utusan na kumuha ng live selfie.
6οΈβ£ Hihikayatin kang mag-screen share β Para raw mas madali kang "matulungan" sa registration, pero ang totoo, gusto nilang makita ang inyong mga sensitibong impormasyon.
7οΈβ£ Hihingin ang OTP mo β Kapag ibinigay mo ito, magagamit na nila ang online banking accounts at mobile wallets mo sa unauthorized transactions!
π¨ Kapag nabiktima ka, posibleng masimot nila ang laman ng online banking at mobile wallets mo!
π‘ πππππ ππππππππππ ππ ππππ ππ πππ?
β
I-download lang ang eGovPH app mula sa opisyal na app stores:
π Google Play Store: https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app
π Apple App Store: https://apps.apple.com/ph/app/egovph/id6447682225
π Huawei App Gallery: https://appgallery.huawei.com/app/C111221319
β
Libre ang eGovPH β Walang bayad, walang hidden fees.
β
Huwag kailanman ibigay ang OTP mo β Hindi ito hinihingi ng eGovPH.
β
Huwag mag-download ng app mula sa group chat o private message.
β
Maging mapanuri sa mga links β Kung kahina-hinala, huwag i-click!
β
Kung may duda, makipag-ugnayan lamang sa mga opisyal na channels ng eGovPH dito sa aming page, o sa email ([email protected]).
π’ Protektahan ang ating sarili at ang ating mga kababayan! I-share ito para hindi mabiktima ang iba!