29/10/2023
Panalangin para sa Sto.Rosario.
Sa ngalan ng Ama ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.
Panginoon, sa amin po ang pasasalamat sa Iyong dakilang pag iingat at pagmamahal, salamat sa pagkakataon ma mairaos namin ang panahon ng Kampanya nang ligtas, mapayapa at wala anumang aberya sa pagitan ng mga kandidato.
Salamat Ama sa iyong pagtitiwala na maging karapat dapat kami sa iyong mga plano para sa Barangay Sto.Rosario.
Sama sama po kami, nananalangin sa iyong pagkupkop sa pmamagitan ng Santissimo Rosario na aming patron.
Salamat po Ama sa
Team Sibol, Team Angat, Team Buklod, Team Tayo, mga SK at mga independiyente na sama sama nagnanais na makasama sa isang Bagong Pamunuan ng Barangay Sto.Rosario...
Ang lahat ng ito ay aming hinihiling at ipinagpapasalamat sa pangalan ng iyong anak na si Jesus, Amen.
Aba ginoong maria
Napupuno ka ng grasya
Ang panginoon ay sumasaiyo
Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat
At pinagpala naman
Ang 'yong anak na si Hesus
Santa Maria ina ng Diyos
ipanalangin mo
kaming makasalanan
ngayon at kung kami mamamatay
Amen
Luwalhati sa Ama,
Sa Anak,
At sa Diyos Espiritu Santo.
kapara noong unang-una,
ngayon at magpakailanman
magpasawalang hanggan,
Amen.
Ang panalangin sa isang Ligtas, Maayos at patas na election 2023.
Sama sama Tayo para sa Sto.Rosario.