Makabata Hagonoybayanatin

Makabata Hagonoybayanatin Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Makabata Hagonoybayanatin, Government Organization, Hagonoy, Bulacan, Hagonoy.

Nakiisa si ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐š๐ฅ ๐„๐ฅ๐ฆ๐ž๐ซ ๐’. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ sa Buwanang Pagpupulong ng mga Child Development Workers na ginanap kahapon, Hulyo 6...
10/07/2026

Nakiisa si ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐š๐ฅ ๐„๐ฅ๐ฆ๐ž๐ซ ๐’. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ sa Buwanang Pagpupulong ng mga Child Development Workers na ginanap kahapon, Hulyo 6, 2026, sa pangunguna ni Dr. Jeffrey D.C. Lobos, upang talakayin ang mahahalagang usaping may kaugnayan sa patuloy na pagpapaigting ng mga programa at serbisyong nakalaan para sa mga batang Hagonoeรฑo.

Kabilang sa mga naging paksa ang pag-update ng masterlist ng mga batang kabilang sa Supplemental Feeding Program, mga nakatakdang gawain para sa buwan ng Hulyo, kasalukuyang kalagayan ng mga Child Development Center, paghahanda ng Emergency Plan, at iba pang usaping mahalaga sa patuloy na pagpapabuti ng mga serbisyong inihahatid sa mga bata.

Patuloy na nakikiisa si ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐š๐ฅ ๐„๐ฅ๐ฆ๐ž๐ซ ๐’. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ sa mga gawaing naglalayong mapalakas ang pangangalaga at pag-unlad ng bawat batang Hagonoeรฑo, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga Child Development Workers at iba pang katuwang sa komunidad.


Dumalo si ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐š๐ฅ ๐„๐ฅ๐ฆ๐ž๐ซ ๐’. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ, Tagapangulo ng Lupon sa Kababaihan, mga Bata at Pamilya, sa isinagawang Monthly Meet...
10/06/2026

Dumalo si ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐š๐ฅ ๐„๐ฅ๐ฆ๐ž๐ซ ๐’. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ, Tagapangulo ng Lupon sa Kababaihan, mga Bata at Pamilya, sa isinagawang Monthly Meeting ng mga ๐‘ช๐’‰๐’Š๐’๐’… ๐‘ซ๐’†๐’—๐’†๐’๐’๐’‘๐’Ž๐’†๐’๐’• ๐‘พ๐’๐’“๐’Œ๐’†๐’“๐’” (CDWs) ng Bayan ng Hagonoy sa Barangay San Jose Child Development Center.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng pagbubukas ng klase, bilang ng mga batang naka-enroll, Supplemental Feeding Program, mga seminar, Social Pension, at iba pang programang nakatuon sa kapakanan ng mga bata.

Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ni ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐š๐ฅ ๐„๐ฅ๐ฆ๐ž๐ซ ๐’. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ ang kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan upang higit pang mapalakas ang mga serbisyong para sa mga bata. Nagbahagi rin siya ng mga mungkahi upang mapabuti ang koordinasyon at pagpapatupad ng mga programang makatutulong sa paghubog ng mas maayos na kinabukasan para sa mga batang Hagonoeรฑo.

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ๐—•๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—›๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—–๐—›๐—œ๐—Ÿ๐——๐—ฅ๐—˜๐—กโ€™๐—ฆ ๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—™๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐—–๐—ข๐——๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—›๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—ข๐—ฌPinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Hagonoy sa pamamagita...
20/05/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—œ๐—•๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—š ๐—–๐—ข๐— ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—›๐—˜๐—ก๐—ฆ๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—–๐—›๐—œ๐—Ÿ๐——๐—ฅ๐—˜๐—กโ€™๐—ฆ ๐—ช๐—˜๐—Ÿ๐—™๐—”๐—ฅ๐—˜ ๐—–๐—ข๐——๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—›๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—ข๐—ฌ

Pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Hagonoy sa pamamagitan ng Kautusan Blg. 2026-271 ang โ€œComprehensive Childrenโ€™s Welfare Code of Hagonoy, Bulacanโ€ noong ika-30 ng Abril 2026.

Layunin ng kautusang ito na higit pang maprotektahan at mapangalagaan ang karapatan at kapakanan ng mga bata sa bayan sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kalusugan, edukasyon, proteksyon, at pangkalahatang kapakanan ng kabataan.

Ang nasabing kautusan ay inakda ni Konsehal Elmer S. Santos na itinaguyod ng Lupon ng Kagalingan Panlipunan ni Konsehal Dalisay Ople-San Jose.

01/05/2026

๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐Œ๐€๐‹๐€๐Š๐ˆ๐๐† ๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐“๐€ ๐๐† ๐‡๐€๐†๐Ž๐๐Ž๐˜!

Ngayong ika-30 ng Abril 2026, ganap nang naipasa sa ikatlo at panghuling pagtalakay ang ๐‘ฏ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’๐’š ๐‘ช๐’๐’Ž๐’‘๐’“๐’†๐’‰๐’†๐’๐’”๐’Š๐’—๐’† ๐‘ช๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’“๐’†๐’โ€™๐’” ๐‘พ๐’†๐’๐’‡๐’‚๐’“๐’† ๐‘ช๐’๐’…๐’† sa ginanap na di-karaniwang pulong sa KGG. Maria Garcia-Santos, MD Session Hall.

Sa pangunguna ng may-akda na si ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐š๐ฅ ๐„๐ฅ๐ฆ๐ž๐ซ ๐’. ๐’๐š๐ง๐ญ๐จ๐ฌ, katuwang si ๐Š๐จ๐ง๐ฌ๐ž๐ก๐š๐ฅ ๐ƒ๐š๐ฅ๐ข๐ฌ๐š๐ฒ ๐Ž๐ฉ๐ฅ๐ž-๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž, naisakatuparan ang isang mahalagang batas na magsisilbing matibay na pundasyon para sa pangangalaga, proteksyon, at paghubog sa kinabukasan ng bawat batang Hagonoeรฑo.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan upang tiyakin na ang bawat bata ay nabibigyan ng nararapat na karapatan, oportunidad, at ligtas na kapaligiran kung saan sila ay maaaring lumaki nang may dignidad at pag-asa.

Taos-pusong pinasalamatan sina ๐•๐ข๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐Š๐š๐ฉ ๐‰๐ก๐š๐ง๐ž ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ at sa mga kasamahan na kasangguni; kay ๐’๐ž๐œ. ๐“๐ข๐ญ๐จ ๐ƒ๐ž๐ฅ๐š ๐‚๐ซ๐ฎ๐ณ at sa kanyang mga masisipag na staff; kina ๐’๐ข๐ซ ๐„๐๐ฆ๐š๐ซ at ๐Œ๐šโ€™๐š๐ฆ ๐‘๐š๐œ๐ช๐ฎ๐ž๐ฅ kasama ang kanilang mga kasamahan; kay ๐ƒ๐ซ. ๐๐š๐ญ ๐’๐š๐ฅ๐ข at kay ๐ƒ๐จ๐œ. ๐‰๐ž๐Ÿ๐Ÿ ๐‹๐จ๐›๐จ๐ฌ, at sa iba pang pangalan na nabanggit, sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa upang maisakatuparan ang makasaysayang batas na ito.

Patuloy nating isulong ang kapakanan ng kabataan, sapagkat sila ang susunod na henerasyon at kinabukasan ng ating bayan.


๐‹๐”๐๐„๐’: ๐Š๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐š๐ญ๐š Ang bawat bata ay may karapatang mabuhay nang ligtas, may pagmamahal, edukasyon, at maayo...
27/04/2026

๐‹๐”๐๐„๐’: ๐Š๐š๐ซ๐š๐ฉ๐š๐ญ๐š๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ฐ๐š๐ญ ๐๐š๐ญ๐š


Ang bawat bata ay may karapatang mabuhay nang ligtas, may pagmamahal, edukasyon, at maayos na kinabukasan. Hindi ito pribilehiyoโ€”ito ay karapatan.
Kahalagahan:
Kapag pinangalagaan natin ang mga bata, pinapalakas natin ang pundasyon ng ating bayan. Ang kanilang kaligtasan at paghubog ang magtatakda ng kinabukasan ng Hagonoy.
Kaganapan:
Patuloy ang mga programa at konsultasyon para sa kapakanan ng kabataanโ€”mula sa child protection initiatives hanggang sa mga gawaing pang-edukasyon at pampamilya.
Lupon sa Kababaihan, Mga Bata at Pamilya:
Nananatiling katuwang ng komunidad sa pagsusulong ng mga polisiya at ordinansang nagtatanggol sa karapatan at dignidad ng bawat bata.

"๐€๐ง๐  ๐›๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐š๐ญ ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ, ๐›๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ฎ๐ง๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐ก๐ข๐ง๐š๐ก๐š๐ซ๐š๐ฉ."

๐‘ฏ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’๐’š ๐‘ช๐’๐’Ž๐’‘๐’“๐’†๐’‰๐’†๐’๐’”๐’Š๐’—๐’† ๐‘ช๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’“๐’†๐’โ€™๐’” ๐‘พ๐’†๐’๐’‡๐’‚๐’“๐’† ๐‘ช๐’๐’…๐’†Magandang araw po sa ating lahat, lalo na sa aking mga kapwa miyembro ng Sa...
24/04/2026

๐‘ฏ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’๐’š ๐‘ช๐’๐’Ž๐’‘๐’“๐’†๐’‰๐’†๐’๐’”๐’Š๐’—๐’† ๐‘ช๐’‰๐’Š๐’๐’…๐’“๐’†๐’โ€™๐’” ๐‘พ๐’†๐’๐’‡๐’‚๐’“๐’† ๐‘ช๐’๐’…๐’†

Magandang araw po sa ating lahat, lalo na sa aking mga kapwa miyembro ng Sangguniang Bayan, sa ating mga stakeholders, at sa mga mamamayan ng Hagonoy.

Ako po ay buong pusong tumatayo ngayon upang i-akda ang panukalang Hagonoy Comprehensive Childrenโ€™s Welfare Codeโ€”isang makabuluhan, makatao, at makatarungang batas para sa kapakanan ng ating mga bata.

Mga kasama, ang bata ay hindi lamang pag-asa ng bayanโ€”sila ang kasalukuyan ng ating komunidad. Kung ano ang ibibigay nating proteksyon, oportunidad, at pagmamahal sa kanila ngayon, iyon din ang magiging kinabukasan ng Hagonoy bukas.

Bakit kailangan natin itong isulong?
Una, dahil may mga batang nangangailangan ng mas malinaw at mas matibay na proteksyon laban sa pang-aabuso, kapabayaan, at karahasan.
Ikalawa, dahil may mga batang nangangailangan ng mas maayos na access sa edukasyon, kalusugan, nutrisyon, at ligtas na kapaligiran.
Ikatlo, dahil responsibilidad natin bilang mga mambabatas na tiyakin na ang bawat batang Hagonoeรฑo ay may pantay na pagkakataon na maabot ang kanilang mga pangarap.

Ang Comprehensive Childrenโ€™s Welfare Code na ito ay hindi lamang koleksyon ng mga patakaran. Ito ay isang konkretong hakbang upang:
โ€ข Palakasin ang child protection mechanisms ng ating bayan
โ€ข Siguruhin ang koordinasyon ng mga ahensya at barangay
โ€ข Bigyang boses ang mga bata sa mga usaping may kinalaman sa kanila
โ€ข At maglatag ng malinaw na programa para sa kanilang holistic development
Bilang mambabatas, ang ating gampanin ay hindi lamang gumawa ng batasโ€”kundi gumawa ng batas na may puso. Batas na may malasakit. Batas na may direksyon.

Hindi sapat na sabihin nating mahal natin ang mga bata. Kailangan natin itong patunayan sa pamamagitan ng konkretong polisiya at sapat na pondo. Ang panukalang ito ay isang malinaw na deklarasyon: sa Hagonoy, ang bata ay prayoridad.
Kaya naman, nananawagan ako ng pagkakaisa sa ating Sangguniang Bayan.

Higit pa ito sa pulitika, Higit pa ito sa indibidwal na pananaw. Ito ay para sa kinabukasan ng bawat batang Hagonoeรฑo.
Magkaisa tayo. Isulong natin ang batas na ito.
Ipanalo natin ang kapakanan ng mga bata.

Dahil kapag ang bata ay ligtas, edukado, at inaalagaanโ€”ang buong bayan ang umaangat.

Maraming salamat po.

Note: Photo not mine. Credits to the rightful owner.

Address

Hagonoy, Bulacan
Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Makabata Hagonoybayanatin posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share