Sangguniang Barangay San Sebastian

Sangguniang Barangay San Sebastian Sangguniang Barangay ng San Sebastian

Igg. Henry John S. Marigsa - Punong Barangay

Mga Kagawad

Igg. John Eugene C. De Jesus
Igg. Jose Mari C. Martin
Igg. Arwin G.

Arturo D Mendoza
Igg. Jimenez
Igg. Fernando P. Payongayong
Igg. Rogelio U. Magbitang
Igg. Enrico U. Militar

Igg. George R. Pablo - SK Chairman

Bb. Amerina C. Dela Pena - Kalihim
Bb. Carmabelle P. Claros - Ingat Yaman

🌊 BAHA UPDATE | SETYEMBRE 3, 2026Narito po ang lebel ng tubig sa ating lugar ngayong 3:00 AM.⚠️ Patuloy pa rin po ang pa...
02/09/2026

🌊 BAHA UPDATE | SETYEMBRE 3, 2026

Narito po ang lebel ng tubig sa ating lugar ngayong 3:00 AM.

⚠️ Patuloy pa rin po ang pagtaas ng tubig (as of 3:22am), kaya hinihikayat ang lahat na mag-ingat, manatiling alerto at maging mapagmatyag sa anumang pagbabago ng sitwasyon.

Kung hindi kinakailangan, iwasan muna pong lumabas o bumiyahe, lalo na sa mga lugar na mabilis tumaas ang tubig.

🙏 Unahin po natin ang kaligtasan ng bawat isa. Patuloy po nating bantayan ang ating mga kabarangay at agad na ipagbigay-alam ang anumang nangangailangan ng tulong.

Mag-ingat po tayong lahat! 🌧️🌊

🌊 BAHA UPDATE | SETYEMBRE 2, 2026Narito po ang mga flooded areas na nananatiling lubog sa baha hanggang sa oras na ito. ...
01/09/2026

🌊 BAHA UPDATE | SETYEMBRE 2, 2026

Narito po ang mga flooded areas na nananatiling lubog sa baha hanggang sa oras na ito.

Kasama po ang Peralta, MQH PH1 and PH2, VillaClara at Wawa 3

Ang patuloy na pagtaas ng tubig ay dulot ng back flooding at dam release, kaya naman hinihiling po namin ang patuloy na pag-iingat at pag-monitor ng ating mga kabarangay.

🙏 Paalala po sa lahat: Iwasan muna ang mga lugar na mataas ang baha, maging alerto sa mga update, at unahin ang kaligtasan ng bawat pamilya.

Patuloy po nating bantayan ang sitwasyon at magtulungan sa panahon ng kalamidad. 🤝

Mag-ingat po tayong lahat, mga kabarangay! ❤️

🌊 BAHA UPDATE | SETYEMBRE 1, 2026Narito po ang mga flooded areas na nananatiling lubog sa baha hanggang sa oras na ito. ...
31/08/2026

🌊 BAHA UPDATE | SETYEMBRE 1, 2026

Narito po ang mga flooded areas na nananatiling lubog sa baha hanggang sa oras na ito.

Ang patuloy na pagtaas ng tubig ay dulot ng back flooding at dam release, kaya naman hinihiling po namin ang patuloy na pag-iingat at pag-monitor ng ating mga kabarangay.

🙏 Paalala po sa lahat: Iwasan muna ang mga lugar na mataas ang baha, maging alerto sa mga update, at unahin ang kaligtasan ng bawat pamilya.

Patuloy po nating bantayan ang sitwasyon at magtulungan sa panahon ng kalamidad. 🤝

Mag-ingat po tayong lahat, mga kabarangay! ❤️

Tulong Para sa Ating mga Kabarangay 🤝❤️Isinagawa po ang Pamamahagi ng DSWD Food Packs sa ating mga kabarangay sa pamamag...
21/08/2026

Tulong Para sa Ating mga Kabarangay 🤝❤️

Isinagawa po ang Pamamahagi ng DSWD Food Packs sa ating mga kabarangay sa pamamagitan ng Pamahalaang Bayan ng Hagonoy, sa pagsisikap at pangunguna ng ating butihing Mayor Ate Charo Sy-Alvarado Mendoza.

Maraming salamat po sa paghahatid tulong mula sa Mayor's Office Staff, sa atin pong mga Konsehal at kay Sir Richieboy Mendoza na laging nakaagapay sa ating barangay.

Taos-puso po ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi at katuwang sa maayos na pamamahagi ng ayuda sa bawat pamilya— Alpha Kappa Rho, mga Kagawad, mga SK, Mother Leaders/LLN, BHW, Bantay Bayan, Barangay Personnel sa pamumuno ng ating Punong Barangay Henry Marigsa.

Maraming salamat po sa inyong oras, pagod at malasakit sa ating mga kabarangay.

Paalala po: Ito ay tulong mula sa pamahalaan gamit ang pondo ng bayan—at ang pondo ng bayan ay nagmumula sa ating mga buwis.

Kaya naman, patuloy nating pahalagahan, pangalagaan at gamitin nang wasto ang bawat tulong na natatanggap ng ating mga pamilya.

Para sa bawat pamilya, para sa bawat kabarangay. Sama-sama tayo sa pagbangon.

PAMAMAHAGI NG TULONG MULA SA BARANGAY CALAMITY FUNDMaraming salamat po sa lahat ng naging katuwang namin sa pamamahagi n...
19/08/2026

PAMAMAHAGI NG TULONG MULA SA BARANGAY CALAMITY FUND

Maraming salamat po sa lahat ng naging katuwang namin sa pamamahagi ng bigas sa bawat kabahayan sa ating barangay. ❤️

Mula sa pagrerepack, paghahakot, hanggang sa pagbabahay-bahay, sama-sama po nating isinagawa ang gawaing ito para matiyak na makarating ang tulong sa ating mga kabarangay.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa ating mga Volunteer, Mother Leaders, BHW, Hepe at mga Bantay Bayan, gayundin sa mga bumubuo ng Sangguniang Barangay, mga Kagawad sa pamumuno ng ating Punong Barangay Henry Marigsa.

Sa bawat isa na naglaan ng oras, lakas at serbisyo, maraming maraming salamat po!

Ito po ay mula sa inyong buwis at nararapat lamang na maibalik sa inyo sa panahon ng pangangailangan.

Mas Ligtas, Mas ProtektadoIkalawang Bahagi ng Bawat Barangay Makikinabang ProjectIka-5 ng Agosto, 2026Bilang bahagi ng p...
18/08/2026

Mas Ligtas, Mas Protektado

Ikalawang Bahagi ng Bawat Barangay Makikinabang Project

Ika-5 ng Agosto, 2026

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Sangguniang Barangay San Sebastian na mapanatili ang seguridad at kaligtasan ng ating mga kabarangay, isinakatuparan ang ikalawang bahagi ng proyekto na naglalayong magdagdag ng CCTV Cameras at mga TV Monitor.

Layunin nito na higit pang mapalawak ang ating monitoring system at makatulong sa pagpapanatili ng kaayusan, seguridad, at kapayapaan sa ating barangay.

🤝 Bawat proyekto, para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat San Sebastian!

PAGHAHANDA AT PAGTUGON SA KALAMIDAD | SANGGUNIANG BARANGAY SAN SEBASTIANNoong Agosto 14, 2026, nagsagawa ng pulong ang S...
16/08/2026

PAGHAHANDA AT PAGTUGON SA KALAMIDAD | SANGGUNIANG BARANGAY SAN SEBASTIAN

Noong Agosto 14, 2026, nagsagawa ng pulong ang Sangguniang Barangay San Sebastian/BDRRM Team upang pag-usapan ang mga hakbang at pagbibigay ng tulong sa ating mga kabarangay na naapektuhan ng kalamidad.

Bilang tugon, kahapon ika-15 ng Agosto, 2026 ay sinimulan na ang pagre-repack ng mga bigas na ipamamahagi sa bawat kabahayan sa ating barangay.

14/08/2026

📢 PAUNAWA: POWER INTERRUPTION SA SUCOL

Magandang araw po, mga kabarangay!

Ang pagkawala po ng kuryente sa Sucol ay nai-report na po namin kahapon pa at patuloy po kaming nakikipag-coordinate sa Meralco upang agad na maayos ang problema.

Humihingi po kami ng kaunting pang-unawa at pasensya habang hinihintay ang aksyon ng Meralco. Patuloy po naming imo-monitor ang sitwasyon at magbibigay ng update kapag may bagong impormasyon.

🌊 UPDATE SA TAAS NG TUBIG | AGOSTO 13, 2026Narito po ang update sa taas ng tubig sa ating barangay ngayong araw, dulot n...
13/08/2026

🌊 UPDATE SA TAAS NG TUBIG | AGOSTO 13, 2026

Narito po ang update sa taas ng tubig sa ating barangay ngayong araw, dulot ng high tide at walang tigil na pag-ulan.

Patuloy po nating mino-monitor ang sitwasyon. Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto at mag-ingat, lalo na ang mga residenteng nasa mabababang lugar.

🙏 Mag-ingat po tayong lahat at manatiling nakahanda.

📢 PABATID SA AMING MGA KABARANGAY!🌿 PARA PO SA KALINISAN NG ATING PALIGID, MAY MUNTING GANTIMPALA PO TAYO! 🌿📍MAGPAKITA L...
12/08/2026

📢 PABATID SA AMING MGA KABARANGAY!

🌿 PARA PO SA KALINISAN NG ATING PALIGID, MAY MUNTING GANTIMPALA PO TAYO! 🌿

📍MAGPAKITA LAMANG PO NG KATIBAYAN NA KAYO AY NAGHAMPOL NG MGA BASURA. PICTURE O VIDEO AT KUNG SAAN NIO PO ITO SININOP NA HINDI NA MULI AANURIN NG BAHA.

📍BEFORE - BAGO NIYO PO DAMPUTIN MA KITA ANG MGA BASURA (IPAGBIGAY ALAM PO MUNA SA ATING MGA KAWANI)
📍DURING - HABANG HINAHAMPOL NIYO PO ANG MGA BASURA
📍AFTER - NA MALINIS NA AT ANG MGA SAKO

Sa bawat basurang inyong mahahampol at maiipon na nakakalat sa baha, kami po ay magbibigay ng kapalit na bigas.

🍚 BAWAT 1 SAKO NG LAYAK/BASURA = 2 KILONG BIGAS! (50kilos na sako/o dalawang 25kilos na sako)

Hinihikayat po namin ang lahat na magtulungan sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating barangay. Sa simpleng pag-iipon ng basurang inanod o nakakalat sa baha, nakakatulong na tayo sa kalinisan at may maiuuwi pang bigas para sa pamilya.

🤝 Magtulungan po tayo. Linisin ang ating paligid, bawasan ang basura, at sama-sama nating pangalagaan ang ating barangay.

PWEDE PO KAYONG MANGHINGI NG SAKO SA ATING BARANGAY HALL

MALINIS NA PALIGID, MAS LIGTAS NA PAMAYANAN! ❤️

Address

Del Pilar Street, San Sebastian
Hagonoy
3002

Telephone

+63443212177

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Barangay San Sebastian posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Barangay San Sebastian:

Shortcuts

Share