Kap. Jimmy Gregorio - Official

Kap. Jimmy Gregorio - Official Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kap. Jimmy Gregorio - Official, Public & Government Service, Pugad, Hagonoy.

10/02/2026

Mula sa liwanag ng Parola
hanggang sa bawat alon ng dagat—
may pag-ibig, may pag-asa sa Isla Pugad.

Agosto 14, 2024 | CARE Philippines Relief DistributionSa gitna ng anumang pagsubok, tayo'y magkakapit-bisig at magtutulu...
14/08/2024

Agosto 14, 2024 | CARE Philippines Relief Distribution

Sa gitna ng anumang pagsubok, tayo'y magkakapit-bisig at magtutulungan.

Salamat CARE Philippines!

Salamat Good Neighbors sa Medikal Misyon!Ang mga gamot, konsultasyon, at serbisyong medikal na inyong binigay ay magdada...
13/08/2024

Salamat Good Neighbors sa Medikal Misyon!

Ang mga gamot, konsultasyon, at serbisyong medikal na inyong binigay ay magdadala ng malaking pagbabago sa buhay ng marami sa atin.

Nawa'y magpatuloy ang ating pagtutulungan at pagkakaisa sa mga susunod na proyekto.

Maraming salamat at mabuhay kayo!

Good Neighbors Philippines mula noon hanggang ngayon ay kaagapay ng Barangay Pugad!Sa kabila ng mga hamon at pagsubok na...
09/08/2024

Good Neighbors Philippines mula noon hanggang ngayon ay kaagapay ng Barangay Pugad!

Sa kabila ng mga hamon at pagsubok na aming kinakaharap, ang inyong pagmamahal at pagkalinga ay nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang magpatuloy at manatiling matatag.

Ang inyong pagtulong ay isang patunay na ang bayanihan at malasakit sa kapwa ay buhay na buhay pa rin sa ating komunidad.

Buong puso po akong nagpapasalamat, Good Neighbors Philippines

Agosto 7, 2024Sen. Ronald "Bato" dela Rosa, Kons. Tina Perez at Red Cross Bulacan Chapter!Lubos po ang aming pasasalamat...
09/08/2024

Agosto 7, 2024

Sen. Ronald "Bato" dela Rosa, Kons. Tina Perez at Red Cross Bulacan Chapter!

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyo sa inyong kabutihang-loob at pagmamalasakit sa amin sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods. Ang inyong tulong ay napakalaking biyaya, lalo na sa panahong ito ng kagipitan. Hindi po matatawaran ang inyong suporta, at tunay po itong nagbibigay ng ginhawa at pag-asa sa amin.

Maraming-maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong.

Maraming Salamat po Cong. Danny Domingo!Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong inisyatiba na magbigay ng rasyon sa ami...
04/08/2024

Maraming Salamat po Cong. Danny Domingo!

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong inisyatiba na magbigay ng rasyon sa aming barangay. Napakalaking tulong po ito sa amin, lalo na sa mga pamilya na nasa gitna ng kahirapan.

Salamat po sa patuloy ninyong suporta at pag-aalaga sa aming barangay.

Sa ngalan ng buong barangay, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating mahal na Konsehala Tina Perez at sa Bagong Hener...
04/08/2024

Sa ngalan ng buong barangay, ako po ay lubos na nagpapasalamat sa ating mahal na Konsehala Tina Perez at sa Bagong Henerasyon Partylist sa walang sawang suporta at malasakit sa ating barangay.

Ang inyong ibinigay na rasyon ay isang malaking tulong sa bawat pamilya, lalo na sa panahon ng pangangailangan. Ang inyong malasakit ay tunay na damang-dama ng bawat isa sa amin. Sa mga panahon ng kagipitan, ang pagkakaroon ng isang lider na tulad ninyo ay nagbibigay ng pag-asa at lakas ng loob sa bawat isa sa amin.

Nawa'y patuloy kayong gabayan at pagpalain ng Maykapal sa inyong mga adhikain para sa ikabubuti ng ating komunidad.

Maraming Salamat po!

Magandang araw sa ating lahat!Sa ngalan ng Barangay Pugad, nais kong ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa bawat isa s...
01/08/2024

Magandang araw sa ating lahat!

Sa ngalan ng Barangay Pugad, nais kong ipahayag ang taos-pusong pasasalamat sa bawat isa sa inyo na naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng ating pyesta. Ang barangay ay puno ng kasiyahan at kagalakan dahil sa inyong walang kapantay na suporta at pagmamahal.

Salamat po sa Hermano Mayor Ernesto Agulto at Pamilya, Pamunuan ng Hermanidad at SPPC-Pugad.

Sa Sangguniang Barangay at mga Tanod na naging produktibo ang kanilang aksyon para mapanatili ang kaayusan.

Sa mga nag-organisa ng mga aktibidad at sa bawat isa na naglaan ng oras at pagsisikap, maraming salamat sa inyong dedikasyon.

Nawa'y magpatuloy ang ating pagkakaisa at pagmamalasakit sa isa't isa hindi lamang sa panahon ng pyesta, kundi sa araw-araw nating pamumuhay.

Maraming salamat at mabuhay tayong lahat!

Maraming Salamat sa Pamahalaang Bayan ng Hagonoy mula sa pangunguna ni Mayor Baby Manlapaz, Vice Mayor Ate Charo, Kons. ...
28/07/2024

Maraming Salamat sa Pamahalaang Bayan ng Hagonoy mula sa pangunguna ni Mayor Baby Manlapaz, Vice Mayor Ate Charo, Kons. Jay-R Manlapaz, Kons. Millord Cruz, Kons. Darwin Cruz at SK Federation President Sharmaine Perez sa inyong pagdamay at malasakit na nagbibigay lakas at pag-asa sa bawat isa sa atin.

Gayundin, nagpapasalamat kami sa Red Cross Bulacan Chapter sa pakikiisa.

Ang inyong kontribusyon ay nagbigay ng malaking tulong sa aming barangay sa pagbangon mula sa sakunang dulot ng bagyo, at ito ay nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng mga naapektuhan.

Muli, maraming salamat sa inyong malasakit at suporta.

Mag-ingat sa dengue! Alamin ang mga paraan para makaiwas sa sakit na ito.
21/06/2024

Mag-ingat sa dengue! Alamin ang mga paraan para makaiwas sa sakit na ito.

A successful consultative meeting with San Miguel Corporation!This partnership promises great things for our community. ...
11/06/2024

A successful consultative meeting with San Miguel Corporation!

This partnership promises great things for our community. Stay tuned for more updates! Together, we're building a brighter future for our Barangay!

Address

Pugad
Hagonoy
3002

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kap. Jimmy Gregorio - Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share