26/08/2026
๐ฃ๐๐ก๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ก๐ ๐ฆ๐ ๐ฆ๐๐ก ๐ฆ๐๐๐๐ฆ๐ง๐๐๐ก: ๐๐ง๐จ๐๐ข๐ฌ ๐๐ก๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ!
Ang Sangguniang Kabataan ng San Sebastian, Hagonoy, Bulacan ay kaisa ng mga kabataan sa panawagang ituloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2026!
Hindi ito usapin ng pag-iwas sa tungkulin o kawalan ng hangaring magpatuloy sa paglilingkod. Sa halip, ang panawagang ito ay nagmumula sa aming malalim na pang-unawa na ang demokrasya ay dapat igalang, at ang mandato ay dapat manatili sa kamay ng mamamayan.
Ang mandato ay hindi nagmumula sa Senado. Hindi rin nagmumula sa Kongreso. Ang tunay na mandato ay nagmumula sa TAO.
Bilang mga kabataang lider na pinagkatiwalaan ng aming mga kapwa kabataan, naninindigan kami na ang karapatang pumili ng mga susunod na mamumuno ay dapat mapangalagaan at maipahayag sa pamamagitan ng halalan.
Ang paglilingkod ay mandato. Ang halalan ang daan upang muling ipagkatiwala ng mamamayan ang mandatong iyon.
Kaya kasama ng kabataan, kami ay nananawagan:
๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐ ๐ฝ๐๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ.
๐๐๐ผ๐๐ผ๐๐ ๐ผ๐๐ ๐ฟ๐๐๐๐๐๐ผ๐๐๐ผ.
๐๐ฝ๐ผ๐๐๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ผ๐๐ ๐๐ผ ๐๐ผ๐.
Kasama niyo sa patuloy na pagsulong ng progresibong pagogobyerno!
๐๐๐๐ก๐ง๐, ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฆ๐ง๐!