19/08/2026
PAKSA: HINDI WASTONG PAGTATAPON NG BASURA
Magalang po naming ipinapaabot ang aming concern tungkol sa patuloy na pagtatapon ng basura ng ilang residente ng PULONG ABO sa Barangay Daungan sa nasasakupan ng Barangay Sto. Cristo.
Ilang beses na po silang napagsabihan, subalit patuloy pa rin ang ganitong gawain. Dahil dito, hinihiling namin ang inyong agarang pakikipagtulungan na paalalahanan ang inyong mga residente na huwag nang maglabas o magtapon ng basura sa nasasakupan ng Barangay Sto. Cristo.
KAGAYA Po kanina Umaga nag labas na Sila Ng basura na kinalat Ng mga a*o..
Mangyaring sa sariling barangay o itinakdang lugar ng Barangay Daungan na lamang ilabas at itapon ang kanilang basura upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Maraming salamat po sa inyong pakikipagtulungan.