10/08/2026
PAALALA NGAYONG PANAHON NG HABAGAT!
Iwasan ang 'WILD' diseases (Water-borne diseases, Influenza, Leptospirosis, at Dengue)! Ito ang mga sakit na mas malaki ang banta sa ating kalusugan ngayong panahon ng bagyo.
Mga sakit na dulot ng mga mikroorganismo, bacteria, at virus na hindi natin agad-agad makikita gamit lamang ang ating mga mata, kung kaya't kinakailangan nating mag doble-ingat upang maiwasan ang mga komplikasyon o di kaya'y kamatayan na maaari nitong idulot.
Ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office na patuloy na gawin ang mga sumusunod:
✅️Siguraduhin na malinis at ligtas ang tubig na inyong iniinom at ginagamit; gayundin ang pagkain na inyong kakainin, siguraduhing ito ay maayos na naluto.
✅️Panatilihing malinis ang katawan; ugaliing maghugas ng kamay gamit ang malinis na tubig at sabon
✅️Siguraduhing malinis ang kapaligiran at tama ang paraan ng pagtatapon ng basura upang maiwasan ang baha at upang walang pamugaran ang mga lamok at insektong magdudulot ng sakit.
✅️Ugaliing linisin at i-disinfect ang mga kagamitan sa bahay; itaob ang mga maaaring maipunan ng tubig gaya ng mga bote, gulong, o timbang hindi ginagamit.
✅️Umiwas sa baha; huwag maglaro, lumusong, o lumangoy sa tubig baha
✅️Gumamit ng payong, kapote, at bota
✅️Magpabakuna kontra influenza at hepatitis
✅️Iwasan ang malapit na pakikipag-usap sa mga taong may sakit, lagnat, ubo at sipon
Maging maingat, maalam, at mapagmatyag para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.