12/05/2026
ALAM NIYO BA?
Ang nababalita ngayon na 'hantavirus' ay isang grupo ng mga viruses na galing sa daga at ilang mga katulad na uri nito. Maaari itong maipasa sa tao kung siya ay mae-expose sa ihi, dumi, o laway ng apektadong daga; at sa di karaniwang pagkakataon ay maaari rin itong maipasa sa pamamagitan ng exposure mula sa apektadong tao.
Pinaaalalahanan pa rin ng Bataan PHO ang lahat na maging maingat at ugaliin ang mga sumusunod upang masiguro ang kaligtasan mula sa banta ng nasabing virus:
-Gawing malinis ang mga pinalalagiang lugar lalo na ang inyong tahanan
-Takpang mabuti ang mga pagkain pati na ang lahat ng mga lagayan ng pagkain
-Saraduhan ang mga lugar na maaaring pasukan ng mga daga
-Gumamit ng proteksyon tuwing maglilinis lalo na kung mayroong mga bakas ng dumi o ihi ng daga; at
-Siguraduhin din mabasa ng kahit paunti-unti ang kontaminadong lugar o bagay bago ito tuluyang linisan upang maiwasan ang mabilisang paglanghap ng mikrobyo
Kung sakali naman na ikaw ay makararanas ng mga sumusunod na sintomas ay maiging magtungo sa pinakamalapit na health station sa inyong lugar:
1. Lagnat
2. Pananakit ng ulo
3. Pagkahilo at pagsusuka
4.Pananakit ng kalamnan
Ang agarang pagbibigay pansin sa mga sintomas ay nakatutulong upang hindi mauwi sa mas malalang problemang pangkalusugan.
Patuloy lamang na nakaalerto ang mga disease surveillance units sa ating lalawigan upang mabilis na matukoy at matugunan ang mga nakahahawang sakit at banta sa kalusugan.
Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malinis na komunidad para sa matatag na pamilyang BataeΓ±o.