20/10/2025
NEWS ALERT | Nakita, Narinig, at Naramdaman po Kayo, mga Zambaleรฑo!
PASADO na ang Provincial Ordinance No. 2025-71, o ang โZambales Therapy and Intervention Center for Children with Special Needs!โ Ang nasabing ordinansa ay pinangunahan nina Board Members Ma. Cecilia Felarca-Rafanan (1st District), Reena Mae L. Collado (2nd District), at Sancho G. Abasta (2nd District) bilang mga pangunahing proponent.
Sa pagkakaisa at pagtutulungan ng buong Sangguniang Panlalawigan ng Zambales, maipaaabot na natin ang tulong na matagal nang hinihintay ng mga pamilyang umaaruga at kumakalinga sa ating mga kababayang may special needs.
Buo rin ang suporta ng ating Punong Lalawigan, Gov. Hermogenes E. Ebdane Jr., na nagsig**o na lahat ng pampublikong ospital sa Zambales ay magiging katuwang sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.
Ito ang simula ng tunay na kaunlaran at malasakit para sa bawat Zambaleรฑo โ ano man ang kanilang sitwasyon at pangangailangan. Dahil sa Zambales, kayo ang uunahin, kayo ang pag-seserbisyuhan โ sapagkat kaisa po ninyo kami!