13/10/2026
Pagpupugay sa mga Katutubong Pamayanan
Tuwing Oktubre ating ginugunita ang National Indigenous Peoples Month bilang pagkilala sa yaman ng kultura at karapatan ng ating mga Indigenous Cultural Communities (ICCs) at Indigenous Peoples (IPs). Sa patuloy na pagmamahal ng ating mahal na Governor Hermogenes E. Ebdane Jr at ni PGDH PHO II Dr Noel C Bueno na may pangunahing layunin ang ating programa sa IP Health na tumutugon sa:
1. Culture-Sensitive Approach:
Pagsasama ng kaalamang katutubo, tradisyon, at LEARN method sa serbisyong pangkalusugan.
2. Barrier Reduction: Pagbawas sa mga hadlang sa access, lalo na sa GIDA areas.
3. Universal Health Care: Pag-align ng mga programa upang matulungan ang mga pinaka-marginalized na pamayanan.
Pamamahala at Implementasyon:
1. Inter-Agency Collaboration: Pagtutulungan ng DOH, NCIP, at DILG upang maisakatuparan ang polisiya.
2. Local Government Role: Pagbuo ng mga komite at pagbibigay ng boses sa IPMRs sa mga Local Health Boards.
3. Service Delivery: Pag-upgrade ng mga pasilidad sa liblib na lugar, pag-deploy ng indigenous health workers, at awtomatikong PhilHealth enrollment para sa mga IP.
At bilang pagtugon sa DOH NCIP DILG JMC No. 2013-01 ay patunay na ang kalusugan ay karapatan ng lahat — at dapat itong maihatid sa paraang makatao, makakultura, at makatarungan.
Zambales for the People Integrated Provincial Health Office-Zambales