14/03/2026
OPERATIBA NG PDEU NAGKASA NG BUY-BUST OPERATION, ISA ARESTADO
IBA, ZAMBALES — Arestado ang isang lalaki habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan matapos ang isinagawang Anti-Illegal Drug Operation (Buy-Bust) ng mga operatiba ng pulisya sa Brgy. San Agustin, Iba, Zambales noong Marso 5, 2026 bandang 2:42 ng madaling araw.
Ang operasyon ay isinagawa sa pangunguna ng Zambales Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at koordinasyon sa Iba Municipal Police Station . Naging matagumpay ang buy-bust operation matapos na makabili ang poseur-buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu mula sa suspek, na naging dahilan ng kanyang agarang pagkakaaresto.
Samantala, nakatakas naman ang kanyang kasamahan na kasalukuyang pinaghahanap pa ng mga awtoridad.
Nakumpiska sa operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:
• Isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item)
• Tatlong heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu(possession) na tumitimbang sa tinatayang 7.9 na gramo na may Standard Drug Price na nagkakahalaga ng ₱53,720.00.
• Isang limang-daang piso na ginamit bilang buy-bust money
• Isang berdeng plastic box ng flashlight
Ang mga nakuhang ebidensya ay nilagyan ng wastong pagmamarka at isinailalim sa maayos na imbentaryo at dokumentasyon sa presensya ng mga kinatawan ng media, Department of Justice (DOJ), at barangay, alinsunod sa itinakdang legal na proseso.
Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Iba Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Patuloy ang pinaigting na operasyon ng kapulisan laban sa ilegal na droga bilang upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad. Hinihikayat din ang mamamayan na manatiling mapagmatyag at makipag-ugnayan sa pulisya upang sama-samang labanan ang kriminalidad.