Hon. Phill Joshua G. Caringal

Hon. Phill Joshua G. Caringal Municipal Councilor
Ibaan, Batangas

03|02|26 Kahapon, nagkaroon ako ng pagkakataong makapanayam ang mga lider-estudyante ng Ibaan sa ginanap na District-wid...
03/03/2026

03|02|26
Kahapon, nagkaroon ako ng pagkakataong makapanayam ang mga lider-estudyante ng Ibaan sa ginanap na District-wide Leadership Symposium 2025 sa Dr. Juan A. Pastor Integrated National High School.

Tinalakay namin ang mahalagang papel ng mga kabataang lider sa pagpapaunlad ng komunidad at ang kahalagahan ng pag-unawa sa lokal na pulitika, sapagkat dito nagsisimula ang tunay na pakikilahok at paglilingkod. Maraming salamat po sa inyong imbitasyon SSLG Dr. Juan at lalo’t higit sa proponent ng proyektong ito, Ma’am Glecy Casulla.

Patuloy nating hikayatin ang kabataan na maging mulat, aktibo, at responsable.

Lead now, Serve now, Start now.


12/11/2025

Happy Birthday, Hon. Phill Joshua G. Caringal! πŸŽ‰

Your dedication, compassion, and service to our community continue to inspire us all.

Wishing you more blessings, good health, and success in all that you do! πŸ’™

Bilang Board Member ng ika-apat na distrito ng National Movement of Young Legislators – Batangas Chapter, nakibahagi tay...
08/10/2025

Bilang Board Member ng ika-apat na distrito ng National Movement of Young Legislators – Batangas Chapter, nakibahagi tayo nitong Oktubre 7, 2025 kasama ang mga kapwa opisyal sa pagbisita sa iba’t ibang kinatawan ng Kongreso mula sa iba’t ibang distrito at party-list.

Sa bawat pagpupulong, tinalakay ang mga posibilidad ng pagtutulungan sa mga programa at proyektong makakatulong sa sektor ng kabataan, kabuhayan, at lokal na pag-unlad. Isang mahalagang hakbang ito upang mas mailapit ang pambansang suporta at masiguro na ang Bayan ng Ibaan ay kabilang sa mga makikinabang sa mga inisyatiba para sa kaunlaran ng Batangas at buong bansa.


𝗠𝗔π—₯π—”π— π—œπ—‘π—š π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§, 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—œπ—•π—”π—”π—‘!πŸ’šπŸ€Una sa lahat,nagpapasalamat ako sa Poong Maykapalat kay Apostol Santiago, ang ating m...
13/05/2025

𝗠𝗔π—₯π—”π— π—œπ—‘π—š π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§, 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π—œπ—•π—”π—”π—‘!πŸ’šπŸ€

Una sa lahat,
nagpapasalamat ako sa Poong Maykapal
at kay Apostol Santiago, ang ating mahal na patron, na naging lakas ko sa bawat araw ng kampanyahan.

Lubos din ang aking pasasalamat sa aking pamilya, kaibigan, at sa inyo,
mga kababayan kong IbaeΓ±o,
na buong loob na nagtiwala at sumuporta.

Ako man lamang ang nagtagumpay mula sa aming hanay,
ngunit ang tagumpay na ito ay hindi para sa akin lamang ito’y tagumpay ng puso, ng paninindigan, at ng pagkakaisa.

Ito ay patunay na kapag ang puso ay tumibok para sa bayan,
hindi ito mapapagod maglingkod.
Hindi ito mapipigil sa paggawa ng tama.

Ngayon, higit kailanman,
kailangan natin ang pagkakaisa, isang paglilingkod na walang kulay, walang kampo, kundi iisang layunin, ang kapakanan ng buong Ibaan.

Maraming salamat, Ibaan.
Ang inyong tiwala ay aking dadalhin hindi lang sa isip kundi sa bawat tibok ng puso ko.


06/05/2025

Mga kababayan, muli po akong humaharap sa inyo bilang kandidatong konsehal sa ilalim ng I Love Ibaan.

Ang lolo ko po, si Goding Guerra, ay naging Bise Alkalde noon ni Mayor Boy. Kasama rin noon si Former Mayor Reming Hernandez na naglingkod noon bilang konsehal.

Ngayon, habang tumatakbo muli si Mayor Boy, narito naman kami ni Almario, anak ni Mayor Reming. Hindi po ito tungkol sa pangalan.

Ito po ay tungkol sa pagpapatuloy ng tapat at maayos na serbisyo. Gaya ng ipinakita ng aming mga lolo, iyon din po ang layunin ko para sa bayan.

Address

Ibaan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hon. Phill Joshua G. Caringal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Hon. Phill Joshua G. Caringal:

Share