21/08/2026
๐ข PAALALA, MAHAL NAMING MGA KABARANGAY! ๐ข BARANGAY POBLACION
Para sa isang malinis, maayos, at ligtas na Barangay Poblacion, muli po nating ipinapaalala sa lahat ng residente na ang regular na hakot ng basura ay tuwing LUNES LAMANG. ๐๏ธ๐
๐ Ilabas lamang ang inyong mga basura sa itinakdang araw ng pangongolekta.
๐ซ MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL DIN ang pagtatapon ng basura sa Barangay Poblacion ng mga ILLEGAL DUMPERS o mga indibidwal na nagmumula sa ibang barangay. Ang sinumang mahuhuling lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang multa at iba pang nararapat na aksyon, alinsunod sa umiiral na barangay ordinansa.
Ang kalinisan ng ating barangay ay responsibilidad nating lahat. Sa simpleng pagsunod sa tamang araw at lugar ng pagtatapon, malaki na ang ating ambag sa pagpapanatili ng malinis at maayos na Poblacion. ๐ฟ๐ค
Makiisa. Sumunod. Makipagtulungan.
Malinis na Poblacion, Responsibilidad Natin!