Mdrrmo Ibaan

Call Directions Contact the organization

Mdrrmo Ibaan The MDRRMO Ibaan focuses on prevention, mitigation, preparedness, response, rehabilitation and recovery to disasters within the area of the municipality.

18/08/2026

π˜Όπ˜½π™„π™Žπ™Š π™‹π™π˜½π™‡π™„π™†π™Š
Passable Only to Light Vehicles
π™ˆπ™–π™‘π™–π™žπ™£π™žπ™£ π˜½π™§π™žπ™™π™œπ™š, π™ˆπ™–π™‘π™–π™žπ™£π™žπ™£, 𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣, π˜½π™–π™©π™–π™£π™œπ™–π™¨

Pinapaalalahanan ang lahat ng motorista, commuter, at mga residente na tanging bukas lamang half lane para sa mga Light Vehicles ang kalsadang bahagi ng Malainin Bridge, Barangay Malainin, Ibaan, Batangas, malapit sa Maximo T. Hernandez Memorial Integrated High School.

Kasalukuyang ipinatutupad na kalahati ng kalsada ang pansamantalang maaaring gamitin dahil sa pagguho o erosion sa ilalim na bahagi ng approach slab ng tulay dulot ng walang tigil na pag-ulan bunsod ng Hanging Habagat. Layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng lahat habang isinasagawa ang kaukulang inspeksyon at kinakailangang pagkukumpuni sa apektadong bahagi ng tulay.

Pinapayuhan ang motorista na gamitin ang alternatibong ruta. Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa para sa kaligtasan ng lahat.

𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣 π™ˆπ˜Ώπ™π™π™ˆπ˜Ύ, π™‰π™–π™œπ™¨π™–π™œπ™–π™¬π™– π™£π™œ π™‹π™–π™œπ™₯π™ͺπ™₯π™ͺπ™‘π™€π™£π™œ 𝙐𝙠𝙀𝙑 𝙨𝙖 𝙀π™₯π™šπ™ π™©π™€ π™£π™œ π™ƒπ™–π™£π™œπ™žπ™£π™œ π™ƒπ™–π™—π™–π™œπ™–π™©Agarang nagtipon sa isang emergency meeting ang ...
08/08/2026

𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣 π™ˆπ˜Ώπ™π™π™ˆπ˜Ύ, π™‰π™–π™œπ™¨π™–π™œπ™–π™¬π™– π™£π™œ π™‹π™–π™œπ™₯π™ͺπ™₯π™ͺπ™‘π™€π™£π™œ 𝙐𝙠𝙀𝙑 𝙨𝙖 𝙀π™₯π™šπ™ π™©π™€ π™£π™œ π™ƒπ™–π™£π™œπ™žπ™£π™œ π™ƒπ™–π™—π™–π™œπ™–π™©

Agarang nagtipon sa isang emergency meeting ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa pangunguna ng Pamahalaang Lokal ng Ibaan, upang ilatag ang mas pinaigting na paghahanda at mabilis na pagresponde sa gitna ng matinding buhos ng ulan na dala ng Hanging Habagat, Agosto 8.

Ipinatawag ang pagpupulong matapos opisyal na itaas sa Red Heavy Rainfall Warning Level ang bayan ng Ibaan dakong 2:00 ng hapon, na nagbabadya ng patuloy na peligro ng pagbaha at pagguho ng lupa.

Pangunahing tinutukan sa pagpupulong ang mabilis na tulong para sa mga kabahayang naapektuhan ng pagbaha sa ilang bahagi ng bayan, gayundin ang pagtiyak sa kahandaan ng mga evacuation center, relief goods, at iba pa.

𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣 𝙇𝙂𝙐 𝙖𝙩 π™ˆπ˜Ώπ™π™π™ˆπ˜Ύ, π˜Όπ™‘π™šπ™§π™©π™€ 𝙖𝙩 𝙉𝙖𝙠𝙖𝙩π™ͺ𝙩𝙀𝙠 𝙨𝙖 𝙀π™₯π™šπ™ π™©π™€ π™£π™œ π™ƒπ™–π™—π™–π™œπ™–π™©Agarang aksyon ang inilalatag ng Pamahalaang Lokal ng Ibaan...
08/08/2026

𝙄𝙗𝙖𝙖𝙣 𝙇𝙂𝙐 𝙖𝙩 π™ˆπ˜Ώπ™π™π™ˆπ˜Ύ, π˜Όπ™‘π™šπ™§π™©π™€ 𝙖𝙩 𝙉𝙖𝙠𝙖𝙩π™ͺ𝙩𝙀𝙠 𝙨𝙖 𝙀π™₯π™šπ™ π™©π™€ π™£π™œ π™ƒπ™–π™—π™–π™œπ™–π™©

Agarang aksyon ang inilalatag ng Pamahalaang Lokal ng Ibaan upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat IbaeΓ±o sa gitna ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Hanging Habagat.

Nakahanda at aktibong nagmamasid sa Operations Center ng bayan ang Ibaan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) sa direktiba ni Mayor Jane Casas. Nakatutok ang pamahalaang lokal sa lagay ng mga kalsada, antas ng tubig sa mga ilog, at posibleng panganib ng pagbaha sa mga kritikal na barangay.

Tinitiyak ng pamunuan ni Mayor Casas na mabilis ang pagresponde ng mga emergency personnel at rescue teams sakaling mangailangan ng tulong ang mga IbaeΓ±o.

Patuloy pa ding pinag-iingat ang bawat mamamayan at pinaalalahanan na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na barangay official at MDRRMC para sa anumang tulong.

TROPICAL CYCLONE ADVISORY NR. 2Tropical Depression Issued at 11:00 AM, 19 June 2026Valid for broadcast until the next ad...
19/06/2026

TROPICAL CYCLONE ADVISORY NR. 2
Tropical Depression
Issued at 11:00 AM, 19 June 2026
Valid for broadcast until the next advisory at 11:00 PM today.
THE TROPICAL DEPRESSION SLIGHTLY ACCELERATES WHILE MOVING WESTWARD OVER THE PHILIPPINE SEA WEST OF GUAM.
➣ Location of Center (10:00 AM)
The center of the Tropical Depression was estimated based on all available data at 1,850 km East of Eastern Visayas (OUTSIDE PAR) (13.1Β°N, 142.5Β°E).
➣ Intensity
Maximum sustained winds of 55 km/h near the center, gustiness of up to 70 km/h, and central pressure of 1004 hPa.
➣ Present Movement
Westward at 20 km/h
➣ Extent of Tropical Cyclone Winds
Strong winds extend outwards up to 280 km from the center
GENERAL OUTLOOK FOR THE FORECAST PERIOD
β€’ The tropical depression is forecast to move generally west northwestward and will enter the Philippine Area of Responsibility (PAR) between tomorrow (20 June) evening and Sunday (21 June) morning. Once inside the PAR, the tropical cyclone will be given the domestic name FRANCISCO. A landfall scenario is less likely at this time.
β€’ This tropical cyclone may intensify into a tropical storm today. As it moves over the warm tropical ocean, it will continue to intensify and may reach typhoon category by Sunday.
β€’ Due to its possible close proximity to land on Tuesday (23 June) and Wednesday (24 June) and the possible changes in the track forecast in the succeeding bulletins, the hoisting of Wind Signal No. 1 over the northern and eastern portions of Northern Luzon is not ruled out.
β€’ The tropical depression is less likely to directly affect the weather and sea conditions in the country in the next 3 days.
Considering these developments, the public and disaster risk reduction and management offices concerned are advised to continue monitoring for updates related to this tropical cyclone.
Unless there is an intermediate issuance, the next tropical cyclone advisory will be issued at 11:00 PM today.

Source: DOST-PAGASA

As of 8:00 AM today, 19 June 2026, the Tropical Depression (LPA 06b) is being monitored outside the Philippine Area of R...
19/06/2026

As of 8:00 AM today, 19 June 2026, the Tropical Depression (LPA 06b) is being monitored outside the Philippine Area of Responsibility (PAR).

All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA.

Noong June 18, 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga, nakilahok ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan, mga Barangay S...
19/06/2026

Noong June 18, 2026, ganap na alas-9:00 ng umaga, nakilahok ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Ibaan, mga Barangay Secretaries, at mga Barangay Health Workers (BHWs) sa 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026.

Kasama ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), isinagawa ang drill upang mapalakas ang kahandaan at tamang pagtugon ng mga kalahok sa oras ng lindol at iba pang emerhensiya.

Noong June 18, 2026, matagumpay na naisagawa ang DRA with Mapping sa MDRRMO Building at Emergency Operations Center, Pob...
19/06/2026

Noong June 18, 2026, matagumpay na naisagawa ang DRA with Mapping sa MDRRMO Building at Emergency Operations Center, Poblacion, Ibaan, Batangas.

Naging katuwang ng MDRRMO ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa pagsasagawa ng pagsasanay na dinaluhan ng mga Barangay Secretaries mula sa 26 na barangay at mga Barangay Health Workers (BHWs). Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kakayahan ng mga barangay sa pagsusuri ng panganib at pagmamapa upang higit pang mapahusay ang kanilang kahandaan sa mga sakuna.

2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)BUKAS NA!!!Makibahagi at makiisa sa isasagawang earthquake dr...
17/06/2026

2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)

BUKAS NA!!!

Makibahagi at makiisa sa isasagawang earthquake drill upang mapalakas ang kahandaan ng bawat isa sa oras ng lindol. Huwag kalimutan ang β€œDuck, Cover, and Hold”.

Maghanda. Maging alerto. Ligtas ang may alam.





Address

MDRRMO Building And Emergency Operations Center, Poblacion, Batangas
Ibaan
4230

Telephone

+19178558040

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mdrrmo Ibaan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mdrrmo Ibaan:

Shortcuts

Share