13/03/2026
๐ฃ Empowering Young Leaders: Votersโ Education Program for Student Leaders
Oplan: Magparehistro Na, Kabataang!
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na programang ito na naglalayong palakasin ang kaalaman at partisipasyon ng kabataan sa halalan.
Lubos po kaming nagpapasalamat kina Mayor Jane A. Casas, Vice Mayor Edralyn Joy A. Salvame, at sa mga Sangguniang Bayan Members sa patuloy na suporta sa mga programang para sa kabataan.
Maraming salamat din sa COMELEC Ibaan sa pangunguna ni EO III Sir Ronnel Q. Mejorada, sa aming partner office sa programang ito.
Taos-pusong pasasalamat sa Local Youth Development Council sa pamumuno ni Ms. Jonna D. Tiemsim, at sa Ibaan Sangguniang Kabataan Federation sa pangunguna ni Hon. Maricar Joy M. Paner, kasama ang SK Federation Adviser Hon. Caezarius Vincent Aleta, sa pakikiisa at pangunguna sa mga gawaing nagbibigay boses sa kabataan.
Nagpapasalamat din kami kay Atty. Jonalyn Sabellano, Provincial Election Supervisor IV ng Province of Batangas, sa pagdalo at pagbibigay inspirasyon sa ating mga kabataan.
Isang malaking pasasalamat kay Atty. Victor Macalalad Jr. para sa napaka-makabuluhan at impactful na talakayan tungkol sa kahalagahan ng pagpaparehistro at pakikilahok sa halalan.
Nagkaroon din ng makabuluhang talakayan tungkol sa Solid Waste Management na ibinahagi ni Engr. Micah Yabyabin, na nagbigay ng dagdag kaalaman sa mga kabataan tungkol sa pangangalaga sa ating kapaligiran.
Maraming salamat din sa ibaโt ibang paaralan at mga mag-aaral, mga g**o na lumahok sa programang ito, at sa lahat ng mga tumulong upang maging matagumpay ang ating gawain.
โจ Kabataan ang pag-asa ng bayan โ simulan sa pagiging rehistradong botante.