30/03/2026
📢 BARANGAY ASSEMBLY | First SEMESTER CY 2026 📢
Nagsagawa tayo ng matagumpay na barangay assembly meeting kahapon, March 29, 2026 para talakayin ang mga plano, proyekto, at mga isyu na nakakaapekto sa ating komunidad para sa kasalukuyang semestre! Maraming salamat sa lahat ng mga kabarangay na dumalo at nagbahagi ng kanilang mga boses – ang inyong paglahok ay mahalaga para sa pag-unlad ng ating barangay.
Muli, maraming salamat sa inyong suporta! Magtulungan tayo para gawing mas maayos at ligtas ang ating tahanan. 💙